Sun.Star Pampanga

Col. Sarmiento sinibak ni BG Baccay dahil sa 'hulidap'

-

Makaraang dumating o natanggap ang report sa diumano'y nangyari ginawang "hulidap" ng 10 police officers sa isang tupada sa Barangay Duat, Bacolor, Pampanga.

Marso 24 nang makarating ang nasabing police report mula sa Pampanga Police Provincial Office na kung saan 10 police officers nakatalaga sa Pampanga Provincial Intelligen­ce Unit ang sumalakay sa isang private compound na ginaganap ang tupada.

Sang-ayon sa report ng Pampanga Police, noong Marso 19, sinalakay ng 10 police officers ang nasabing tupada at inabutan nila ang 10 sabungero sa loob ng compound ng "certain" Alberto Gopez.

Inaresto umano ng mga police officers ang 10 sabungeros at pagkatapos ay nilimas nila ang cash na Php379,700 at di pa malaman halaga ng mga alahas, ayon sa police report.

At pagkatapos, pinakawala­n umano ng mga police officers ang nasabing sabungeros at sabay ang agarang nilang pag-alis sa compound, ayon sa police report.

Ang masama nito, dumulog kay Gov. Delta Pineda ang mga sabungero kaya dito umano nalaman ni BG. Baccay.

Marso 19 nangyari ang insidente ngunit inireport ito ng Marso 24. Bakit kaya? Nagtatanon­g lang po...

Maraming nagtatakan­g mga police officers nakausap ng Dateline, kung bakit hindi nila kinasuhan ang 10 sabungero kung tutuusin ay iligal ito.

Dahil sa pagkakadaw­it ng 10 police officers, kaagad naman sinibak ni BG Baccay si Col. Robin Sarmiento, Pampanga police provincial director. Unang sinibak ni BG Baccay ang police officers. Bukod sa pagkakadaw­it ng 10 police officers, na isa sa dahilan kaya sinibak si Col. Sarmiento kabilang din ang PNP Policy na "command responsibl­ity."

Marso 25, itinalaga naman ni BG. Baccay si Col. Jonas Amparo, Deputy Regional Director for Operations bilang Officer-In-Charge ng Pampanga Police Provincial Office.

 ?? ??
 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines