Sun.Star Pampanga

E-Sabong pinahinto ni Pres. Duterte

-

Noong Martes (May 3) ipinahinto na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang online sabong o E-Sabong sa buong bansa.

Matatandaa­n na ayaw ipahinto ni Duterte ang ESabong dahil malaki ang kinikita revenue para sa pamahalaan.

Nguni't nitong Martes, maraming nagulat na mga kababayan natin makaraang ipag-utos nito ipatigil ang nasabing online sabong.

Sa kanyang pahayag, sang-ayon sa kanya sumusunod lamang siya sa rekomendas­yon ni Interior and Local Secretary Eduardo Ano.

Maraming nababalita­an umano ang Pangulo nakakasira ito sa pamilya dahil nauubos ang kita ng mga ito dahil sa pagkatalo sa E-sabong.

Dahil sa E-Sabong, 30 katao ang kinidnap at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita.

Ang e-sabong ay isang uri ng on-line gambling na ang may-hawak ng lisensiya ay ang Pitmaster Live na pag-aari ni Atong Ang.

Marami na rin mga kabataan ang nalululong sa E-Sabong kaya dapat na itong ipatigil, ayon sa mga kababayan natin.

Kaya naman sa ginawang kautusan ni Pres. Duterte ang operasyon ng E-Sabong ay illegal na kaya maaari itong ipasara ang establista­mento at hulihin ang nag-ooperate nito.

Nang tanungin ng inyong lingkod si Brig. Gen. Matthew Baccay, Police Regional Office-3 (PRO3) director kung ano gagawin nilang aksyon sa mga nag-ooperate pa ng E-Sabong, ang sagot niya hinihintay pa nila ang "guidelines" mula sa higher-up.

Ilan mga kababayan natin ang nalulong o naging adik sa E-Sabong simula nang ito'y nagoper at e.

Mayroon na rin mga kababayan natin ang nagkautang-utang sa E-Sabong at iyong iba nagsangla na kanilang kagamitan upang makabayad at makapaglar­o ulit.

Sa pag-hinto ng ESabong, maraming pamilya ang natutuwa dahil iyong kita o sahod ng kanilang mga asawa ay hindi na mababawasa­n.

Dahil ba malapit na bumaba si Pres. Duterte kaya nito pinahinto ang operasyon ng E-Sabong? Nagtatanon­g lang po...

Ang magiging susunod na President ano kaya ang magiging plano nito sa E-sabong? Nagtatanon­g lang po...

*****

9,000 PNP personnel idedeploy ng PRO3 Umaabot sa 9,000 PNP personnel ang idedeploy sa Central Luzon, sang-ayona kay Brig. Gen. Matthew Baccay, Police Regional Office-3 (PRO3) director.

Nitong Lunes, isinagawa ang send-off ng mga personnel sa iba't ibang lalawigan at lungsod sa rehiyon, ayon pa kay Baccay.

Dalawang PNP personnel ang itatalaga sa bawat Polling Centers, ayon naman kay Deputy Regional Director for Operations, Col. Jonas Amparo.

Bukod dito, mayroon din mga PNP Patrol Mobile ang mag-iikot upang matiyak na magiging peace and order ang elections, ayon pa kay Amparo.

Maging ang Regional Monitoring Elections Centers sa PRO3 headquarte­rs ay naka activate na rin.

Inaasahan naman ni Baccay magiging maayos at tahamik ang darating na eleksyon nitong Lunes.

 ?? ??
 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines