Sun.Star Pampanga

Kampanya ng PRO3 laban sa illegal gambling patuloy

-

Tuloy tuloy ang kampanya ng Police Regional Office-3 (PRO3) laban sa illegal gambling.

Sa katunayan ayon kay Brig. Gen, Matthew Baccay, PRO3 umaabot na sa 3,978 na katao sa Gitnang Luzon ang nahuhuli simula noong Enero nitong taon hanggang kalahating buwan ng Mayo.

Ito'y aniya, ito ang resulta ng 886 anti-gambling operations na isinagawa ng iba't ibang Provincial at City police directors.

Sa kanilang operasyon, ayon kay Baccay, umaabot naman sa P1.35 milyon halaga ng cash best ang nakumpiska sa loob ng limang buw an.

Ipapatupad ko ang One Strike Police sa mga police directors at chiefs of police kapag mayroon akong nakitang illegal gambling operations sa inyong area of responsibi­lity, dagdag pa ni Baccay.

Binalaan din ni Baccay ang mga police personnel na masasangko­t sa illegal gambling na kanyang bibigyan karampatan kaso.

"Ang sinumang PNP personnel nasangkot sa illegal gambling ay aking sisibakin sa puwesto, " ayon pa kay PRO3 director.

Ipapatupad kaya ni Brig. Gen. Baccay ang "One Strike Policy"? Nagtatanon­g lang po...

*****

GCMC parking may bayad Sa lahat ng mga ospital sa Pampanga, bukod tangi ang Green City Medical Center ang may parking fee.

At take note, kada isang oras ang parking fee ay P20.00. Kaya kung umabot ka ng tatlong oras sa parking ng GCMC bayad ka ng

P60.00.

Ang masaklap nito, mayron ka ng pasyente sa kanilang ospital sisingilin ka pa rin ng GCMC management. Ibig bang sabihin nito ay wala silang pakialam kung may pasyente sila?

Noong nakaraang linggo si misis ay na-confine sa GCMC ng halos apat na araw. Kada labas ng Dateline sa kanilang parking lot ay may katumbas na bayad.

Biro mo magbabayad ka na sa kanilang ospital, magbabayad ka pa sa kanilang parking lot.

Ang masama pa dito, wala naman silang binibigay na resibo sa parking lot.

Ang daming ospital sa Pampanga tanging ang GMCC ang may bayd sa parking lot.

Di po ba doble kita ang ginagawa ng GMCC? Nagtatanon­g lang po.

 ?? ??
 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines