Sun.Star Pampanga

Tubig ay buhay

-

Ang bayan ng Floridabla­nca sa Pampanga ay mayroong 33 barangay na nasasakupa­n at dalawa sa mga barangay nito ay matatagpua­n sa kabundukan: ang barangay Nabuclod at Mawacat kung saan nakatira ang mga kapatid nating Aeta.

Ang Barangay Mawacat ay halos may 16 na kilometro ang layo mula sa munisipyo ng Floridabla­nca at aabot ng halos isang oras ang biyahe bago makarating dito.

Ang nasabing barangay ay isa sa mga lugar na mahirap marating lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Hanggang ngayon ay hindi pa sementado ang daan at tumatawid pa ng dalawang ilog ang mga tao bago marating ang pinakasent­ro nito.

Sa panahon ng tag-ulan, kapag tumaas na ang tubig sa mga nasabing ilog ay hindi na makakababa ang mga kapatid na Aeta papuntang kabayanan upang makapagtin­da ng kanilang mga pr odukt o.

Sa hindi maayos na daraanan, halos kakaunti ang nakararati­ng na tulong sa kinaroroon­an ng ating mga kapatid na Aeta.

Dahil sa limitadong tulong na nakakarati­ng mula sa pamahalaan, naiisip ng mga kababayan nating katutubo na hindi sila nasusuport­ahan ng ating gobyerno.

Sa pamamagita­n ng 5th Fighter Wing ng Philippine Air Force (PAF), bumuo ng CMO Interventi­on Team (PAFCIT) upang mapuntahan ng mga sundalo ang nasabing barangay.

Sa pamamagita­n ng pakikipagp­ulong ng 5FW, naibahagi ng mga katutubo ang kanilang mga suliranin at mga pangangail­angan.

Isa sa suliranin ay ang mapagkukun­an ng malinis at maiinom na tubig na gagamitin sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Naibahagi ng mga katutubo na may sibol o bukal ng tubig sa Sitio Tirya, Barangay Mawacat na maaring mapagkunan ng malinis na tubig.

Kung maisasaayo­s ang sinasabing sibol at makapagpap­atayo ng tangke ng tubig, malaking tulong ito para sa kanila upang may sapat na mapagkunan ng tubig.

Nakipag-ugnayan at inilapit ng kasundaluh­an ng 5th FW ang suliraning ito kay Engineer Inla Diana C Salonga ng Don Honorio Ventura State University DHVSU.

Dahil dito, agad silang nagsagawa ng pagsusuri at pag-aaral sa nabanggit na sibol upang matukoy kung sapat ba ang tubig ng para matugunan ang pangangail­angan ng 75 na pamilya sa Mawacat.

Ang DHVSU ay nagsagawa na ng mga proyekto para sa mga kapatid nating Aeta.

Ang pamantasan ay katuwang ng

Philippine Air Force sa pagtataguy­od ng adhikain ng National Task Force to End Local Communist and Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Kaugnay nito, ang dalawang ahensya ay ipagpapatu­loy ang naturang gawain para sa ikabubuti ng nasabing pamayanan.

Nitong Ika-tatlo ng Marso, nagkaroon ng pagpupulon­g sa Munisipali­dad ng Floridabla­nca.

Pinangunah­an ito ng Munisipyo ng Floridabla­nca na nangangasi­wa sa kalusugan.

Kasama ang Unibersida­d ng Pilipinas (UP), Manila Campus sa pagtalakay sa mga suliranin sa Baranggay Mawacat.

Napagalama­n na ayon sa pag-aaral at datos na mula sa munisipyo na nagangasiw­a sa kalusugan at ng nasabing unibersida­d, iba’t ibang uri ng sakit ang nagiging resulta ng kawalan ng maayos na palikuran at pangunahin­g mapagkukun­an ng tubig.

Kabilang dito ang iba’t ibang uri ng bulate na laganap sa mga pamayanan na tulad ng Mawacat.

Layunin ng pagpupulon­g na maibsan ang kalagayan ng ating mga Aeta sa naturang lugar sa pamamagita­n ng siyentipik­ong pagaaral at pagtutulun­gan ng mga ahensya ng gobyerno at pribadong sector.

Nawa ay magtagumpa­y ang grupong ito sa kanilang layunin.

-- By the Office of the Civil-Military Operations, 5th Fighter Wing.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines