Traffic lights sa CSF problema
Dalawang Traffic Lights sa City of San Fernando ang problema ng mga motorista.
Ilan buwan na rin ang nararanasan ng mga motorista ang bigat ng traffic flow sa kahabaan ng Mac Arthuur highway.
Ang nasabing mabigat na trapik ay nagsisimula sa may bahagi ng St. Juse sa Barangay Dolores hanggang sa Barangay Del Rosario.
Sa St. Jude ang traffic lights dito ay ilan buwan na rin hindi gumagana na kung saan isa sa naging sanhi pagbagal pagdaloy ng mga behikulo sa nasabing highway.
Mukhang walang pakialam ang Department of Public Works and Highways Region 3 (nangangasiwa ng mga Traffic Lights) kung gumagana pa ito o hindi na kasi siguro hindi sila apektado. Nagtatanong lang po ....
Sa tindi ng init nandoon ang mga traffic enforcer ng City of San Fernando, upang pangasiwa ng trapik sa St. Jude.. Na tutuusin kung gumagana ito hindi hirap ang ating mga traffic enforcer na maaaring italaga pa sa ibang lugar.
At isa pang problema ay ang Traffic Lights sa Barangay Del Rosario na kay tagal magpalit ng Stop and Go. Halos umaabot sa 10 minuto.
Kaya ang resulta, humahaba ang mga nakahintong behikulo sa nasabing intersection Traffic Lighs. Hindi ba maaaring iksihan ang pagpalit ng Go and Stop doon? Ilan ba minuto ang dapat Sequece. Nagtatanong lang po...
Mukhang binabaliwala ng DPWH3 ang mga Traffic Lights na mukhang balewala sa kanila kung nagiging sanhi ito ng pagbigat ng daloy ng trapiko.
City Mayor Vilma Caluag, baka maaari na kayong gumawa ng Aksyon ukol sa dalawang Traffic Lights dahil walang pakialam ang DPWH3.
Alam ng mga Fernandinos/ Fernandinas na agarang kayong gumagawa ng aksyon..
Abangan po natin ang Aksyon ni Mayor Vilma Caluag .... sana maaayos kaagad ang dalawang Traffic Lights ....