Sun.Star Pampanga

3 PDs at 2 DCs ang papalitan

-

Inaasahan nitong darating na buwan magkakaroo­n ng balasahan sa mga Provincial at City police directors.

Ayon sa Intelligen­ce Officer (IO) ng Dateline, ang mga maaapektuh­an sa balasahan sa mga Police Provincial Directors ay sina Col. Relly Arnedo ng Bulacan Police; Col. Erwin Sanque ng Tarlac Police; at Col. Richard Caballero ng Nueva Ecija police.

Police City Directors sina Col. Carlito Grijaldo ng Olongapo Police samantalan­g si Col. Ritz Rara ng Angeles City police ay na-relieved dahil sa Command Responsibi­lity at si Col. Dionido Maniago ang pangsamata­lang Officer-In-Charge.

Si Col. Sangue at Col. Caballero ay halos mahigit sila ng isang taon sa kanilang puwesto, samantalan­g si Col. Arnedo at Col. Grijaldo wala pang isang taon.

Sang-ayon sa IO, mayroon na daw papalit sa mga nasabing puwesto ng tatlong PDs at dalawang CDs nguni't di mo daw ipapahayag.

Subali't napagalama­n ng IO, si Col. Amado Mendoza, chief ng Regional Logistics Division ang napipisil ng Higher Up sa Angeles City police. Malalaman ito sa katapusan ng buwan kung matutuloy na maupo si Mendoza sa Angeles Police.

Sabi nga ng mga police officers, alam mo dyan palakasan ng "Backer" kung gusto mong maupo at hindi iyong "qualificat­ion" ng isang Col onel ....

Kawawa ang mga walang malakas na "Backer" dahil ang kanilang ipinagmama­laki ang kanilang "Qualificat­ion." Bakit kaya hanggang ngayon ay mayroon pa rin ganitong sistema ang PNP??? Nagtatanon­g lang po ....

Hanggang kailan kaya matatapos ang palakasan "system" sa PNP??? Nagtatanon­g lang po...

Abangan ang mga papalit sa mga PDs at CDs...sana mga Qualified sa puwesto at hindi dahil malakas sila ....

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines