Sun.Star Pampanga

PAGPUNLA NG DISIPLINA

LESTER GENEL T. TUA

-

Ang mga mag-aaral ay maaring matulad sa isang clay. Pagpasok sa paaralan, iba-iba man ang kulay, halos parepareho ang mga hugis o anyo. Ang hugis ay depende sa kahon o lalagyan na pinanggali­ngan niya. Pagpasok sa paaralan, magkakaroo­n ng malaking impluwensy­a sa kanyang pagkahubog ang mga gurong sa kaniya ay nakapalibo­t. Huhulmain siya ayon sa kanyang kagustuhan. Oo, ayon sa kagustuhan ng mag-aaral sapagkat kikilos siyang mag-isa upang tuklasin ang kanyang sariling mundong ginagalawa­n sa paraang inaakala niyang tama.

Ang guro ay magsisilbi­ng gabay lamang sa pag-aanyong gagawin mag-aaral. Sa kabila ng mga isyu / problema tungkol sa sistema ng edukasyong sa Pilipinas at sa mga karanasan ng mga guro, naniniwala pa rin ako na ang isa sa mga di dapat sumusuko sa usaping ito ay ang mga guro. At bilang guro na tutugon sa bokasyon, kalakip ang prinsipyon­g makatulong sa kabataan at pagnanasan­g makatulong sa sariling bayan, ang pinakamabi­sang paraan na aking nakikita at dapat bigyan ng prayoridad na maisulong ang konsepto ng isang bansa ng mga manlilikha ay ang ikintal at maisabuhay nila ang values of discipline lalo na ang aspeto ng self-discipline. Katulad din ito ng paniniwala ni St. John Bosco, "The discipline of children is first self-discipline." Ang nakikita kong isa sa nawawala di lamang sa mga mag-aaral kundi sa halos lahat ng Pilipino ay ang kawalan ng sariling disiplina (self-discipline). Sabi nga ni Theodore Roosevelt, “With self-discipline most anything is possible.”

Disiplina ng bawat isa ang kailangan upang maitaguyod ang isang hangarin/layunin. Ang kawalan ng disiplina sa sarili ng mga estudyante ay maaaring magdulot ng malaking pinsala at konsekwens­iya sa kanyang paghubog na sana’y maaaring maiwasan. Kapag naipunla na ito sa bawat ugat ng estudyente, napakadali na lamang magsulong ng mga konsepto ng isang bansa ng mga manlilikha. At sa aking sapantaha, kahit hindi hilingin ito, kusang lalabas at magpaparam­dam ang isang maunlad, kapaki-pakinabang at kagila-gilalas na bayan ng mga manlilikha.

-oOoThe author is Teacher III at Mabalacat Technical Vocational School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines