Tempo

Lovely: Kuya Germs should retire

- By GLENN REGONDOLA

GUSTO sana ni Lovely Rivero na gumawa ng isang proyekto bilang handog niya sa kanilang tataytatay­an sa showbiz na si German Moreno.

Hindi kaila sa lahat na si Kuya Germs ay na-stroke a few months back, at hanggang ngayon ay nasa recovery period pa rin.

Kumbaga, ’yun sana ang way of giving back nila sa Master Showman na naging daan kung bakit sila naging artista at natupad ang kanilang mga munting pangarap.

Si Lovely ay nasa Tuesday group noon ng “That’s Entertainm­ent.”

Nang makausap namin siya sa opening ng Naci Cafe Lounge na pag-aari niya at ng dati niyang asawang si Naci Nocom, nabanggit niyang hindi raw niya alam kung paano siya magsisimul­a dahil marami rin ang dapat asikasuhin bago ito masimulan.

Lalo na nga’t ang mga kagrupo niya tulad nina Manilyn Reynes at Janno Gibbs ay puro abala. Wala naman siyang communicat­ion kay Mon Alvir.

Sabi nga niya, isa man lang dapat sa kanila ay maging desidido na gawin ito dahil malaking bagay na ito sa kanilang “tatay” kahit alam niyang hindi naman ito nangangail­angan.

Wish rin ni Lovely na sana’y huminto na si Kuya Germs sa pagtatraba­ho dahil wala naman na siyang dapat patunayan. Nagawa na nito ang lahat ng gusto nitong gawin, kaya dapat nga raw ay magretire na ito.

But knowing Kuya Germs, hindi ito basta susuko’t pipilitin pa rin nitong magtrabaho, dahil ’yun ang buhay niya.

“Mas malulungko­t lang ‘yan kapag nasa bahay lang, at walang ginagawa,” wika ng iba.

 ??  ?? LOVELY Rivero
LOVELY Rivero

Newspapers in English

Newspapers from Philippines