Tempo

Megan, di lumaki ang ulo

- By RUEL J. MENDOZA

HINDI nasubaybay­an ng veteran comedienne na si Ms. Nova Villa ang original Mexican telenovela na “Marimar” kung saan sumikat ang Latina singer-actress na si Thalia.

Kahit daw ’yung unang local version ng “Marimar” na nagpasikat kay Marian Rivera ay hindi rin niya napanood. Kaya fresh daw ang dating sa kanya ng panibagong bersyon ng “Marimar.”

“It’s a good thing na hindi ko napanood ang “Marimar” ni Thalia o ni Marian. Wala akong pagbabaseh­an ng character ko bilang si Lola Cruz. Kaya bago ang approach ko sa role na mas gusto ko.

“Mas gusto ko kasing ako ang bumubuo ng binibigay na character sa akin. Sasabihin lang sa akin kung ano ang descriptio­n ng character at ako na ang bahalang gumawa ng kilos at pananalita.

“Tulad nga nitong si Lola Cruz, mapagmahal at maalaga siyang lola kay Marimar. In real life, lola talaga ako at nilalagay ko ang sarili ko sa role,” pahayag pa ni Tita Nova.

Naging reunion daw nila ng bida ng “Marimar” na si Megan Young ang naturang teleserye. Nagkatraba­ho na sila dati ni Megan sa teleseryen­g

“Kokey” sa ABS-CBN2 in 2007.

“Hindi naman mahaba ang role doon ni Megan at ilang beses lang kaming nagkasama sa mga eksena. Pero lagi kaming nagkikita sa set.

“Napakatahi­mik na bata niyang si Megan. Mahiyain pa nga pero palabati. Kaya iniisip kong baka nagbago na ito kasi naging Miss World na siya, eh.

“Aba, noong magkita kami sa set, mabilis niya akong tinawag na ‘Tita Nova!’ Sabay yakap at halik. Ramdam mo na na-miss niya ako.

 ??  ??
 ??  ?? NOVA Villa
NOVA Villa

Newspapers in English

Newspapers from Philippines