Tempo

Edgar Allan levels up

- By GLEN P. SIBONGA

LEVEL up na si Edgar Allan Guzman. Mula sa pagiging best friend ng bida at pagganap ng supporting roles, ngayon ay isa na siya sa leading men ni Julia Montes kasama ang baguhang si Anjo Damiles sa bagong panghapong teleserye ng ABS-CBN, ang “Doble Kara.”

Labis ang pasasalama­t ni Edgar Allan, na mas kilala na ngayon bilang EA. “Oo nga e, sobrang blessed ako this year. Happy and excited ako,” sabi ni EA.

Sa tingin ba ni EA nagkaroon ng panibagong sigla ang kanyang career simula noong lumipat siya sa ABS-CBN? Masasabi rin ba niyang nakuha niya ang kanyang biggest break sa Kapamilya network?

“Yeah, oo, kasi lalo na noong ‘Your Face Sounds Familiar,’ ang laki ng naitulong sa akin. Kasi noong lumipat ako dito sa ABS, wow, new challenges, new blessings, tapos parang new family. Parang lahat nandito kaya sobrang hype na hype yung kasiyahan ko kasi sobrang maraming nangyari sa akin. Doble Kara ang kini-claim ko na biggest break ko.”

Ginagampan­an ni EA ang role ni Edward. “Loveteam ako ni Julia. Magkakagus­to sa akin yung parehas na character ni Julia Montes, si Kara and si Sara. Si Sara yung patay na patay sa akin. Pero ang magiging girlfriend ko si Kara.’’ Kumusta namang katrabaho si Julia? “Ang sarap, ang gaan. Kalog din iyon e. Ang gaan-gaan katrabaho. Si Julia walang kaereere.” Bumilib din daw si EA sa husay umarte ni Julia lalo na nga’t dual role ang ginagampan­an nito. “Oo, napakagali­ng niya. Sabi ko nga sa kanya, ‘Ang hirap ng ginagawa mo.”

Sa ilalim ng direksyon nina Emmanuel Palo at Jon Villarin, ang “Doble Kara” ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng hapon sa ABS-CBN.

 ??  ?? EDGAR Allan Guzman
EDGAR Allan Guzman

Newspapers in English

Newspapers from Philippines