Tempo

Ai-Ai determined to find closure between Jiro, dad

- By RUEL J. MENDOZA

KAHIT hindi nagawang makausap ni Ai-Ai delas Alas ang ama ni Jiro Manio na si Yusuke Katakura noong magtungo ito sa Japan, hindi pa rin daw siya susuko hanggang hindi niya natutupad ang pangako na magkakausa­p ang mag-ama balangaraw.

Gusto ni Ai-Ai na magkaroon ng closure ang mag-ama.

“May sama ng loob si Jiro sa kanyang ama, pero may sarili ring kuwento ang ama ni Jiro kung bakit nawalan ito ng tiwala sa mga Pinoy.

“Pero hindi raw siya nagpabaya sa pagiging ama kay Jiro.

“Ang mga Japanese kasi, hindi nila pinapabaya­an ang mga naging anak nila.

“Nasa kultura nila iyon. Nakakasira sa honor ng family nila kapag may pinabayaan silang anak nila.”

Ayon sa kuwento ng Japanese friend ni Ai-Ai na nakausap si Mr. Katakura, hindi ito nagpalya sa pagpapadal­a ng suporta kay Jiro.

Nagtaka lang ito kung bakit walang nakarating sa bata.

“Ang tanging koneksyon niya kay Jiro ay ang lola nito.

“’Yung lola raw ang nakakatang­gap ng mga pinapadala niyang suporta.

“Kung bakit walang nakarating kay Jiro ay hindi natin alam ang sagot.

“Kaya dun siya medyo sumasama ang loob. Kaya tuloy wala na siyang tiwala sa mga Pinoy kasi feeling niya ay lolokohin lang siya ulit.

“Kaya hindi ko siya nakausap ng personal kasi Pinoy ako.

“Mabuti na lang at kasama ko ang kaibigan kong Japanese kaya sila ang nagkausap.” Kalalabas lang daw ng ospital ng ama ni Jiro. “Ayaw namin siyang i-pressure o ma-stress sa pagpunta namin doon.

“Naiintindi­han namin ang situwasyon niya. Tutal kami naman ang nakikiusap kaya kami na lang ang mag-adjust.

“Pero hindi naman doon matatapos iyon kasi promise ko kay Jiro na aayusin ko ito para sa kanya,” pagtatapos pa ni Ai-Ai na isa sa host ng bagong GMA talk show na CelebriTV.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines