Tempo

Kim nahipuan as entertaine­r

- Rowena Agilada

LEVEL up na si Ryzza Mae Dizon sa kanyang first teleserye ever, ang “The Ryzza Mae Show Presents: Princess in the Palace.” Aktingan na talaga si Aling Maliit na aniya, mas mahirap kesa pagiging host na ginawa niya sa “The Ryzza Mae Show.”

Drama-dramahan si Ryzza sa PITP na aniya, araw-araw siyang pinapaiyak ni direk Mike Tuviera sa taping nito. “Grabe! Napaka-profession­al ni Ryzza. Ang dali niyang maka-memorize ng lines niya at alam niya ang blocking nilang mga artistang ka-eksena niya,” lahad ni direk Mike.

Puring-puri rin si Ryzza ni Eula Valdez na gaganap bilang Madame President sa PITP. Ani Eula, natutuwa siya na magkatraba­ho sila ni Ryzza. Nanggigigi­l daw siya na gusto niyang pisil-pisilin ang mga pisngi nito. “Matalino pa siyang bata. Ang galing magmemoriz­e ng lines. Very pleasant to work with. Magaan kasama at walang attitude. Very giving as a co-worker,” pahayag ni Eula.

Asked Ryzza kung nararamdam­an ba niyang sikat na siya? ”Hindi po. Ang mommy ko po ang nagsasabin­g sikat na ako. Sa school po namin, marami ang nagpapa-autograph sa akin. Marami po ang pumipisil sa pisngi ko. Pero okey lang po. Hindi po ako nagagalit,” sabi ni Ryzza.

Aniya pa, hindi artista ang turing sa kanya ng pamilya niya kapag nasa bahay sila. Wala siyang yaya at naglilinis siya ng bahay nila. “Kapag sinisipag lang po ako (laughs),” sambit ni Ryzza. Bukas ang simula ng“Princess in the Palace” sa GMA7 at 11:30 am.

Di kayang maging kabit

Isang entertaine­r ang role ni Kim Chiu sa “Etiquette for Mistresses” na aniya, tumaas ang respeto niya sa mga entertaine­r. “Gano’n pala kahirap sila kumita ng pera. Nahihipuan pa sila ng customers, pero wala silang magawa dahil kasama ‘yun sa kanilang trabaho,” sambit ni Kim sa presscon.

Aniya, noong una’y natakot siyang tanggapin ang offer ng Star Cinema. Ang tagal niya bago nakasagot. Hiningi muna niya ang script at kinabahan siya noong nabasa niya at kung ano’ng role niya.

Si Kris Aquino na kasama sa cast ng “Etiquette for Mistresses” ang nagkumbins­e sa kanyang tanggapin ang role. “Sabi ni ate Kris, it’s time for me to mature. Di na pabebe o pa-cute. Dapat daw, isang project na masasabing woman napala ako (laughs),” wika ni Kim.

Dagdag pa niya, ang dami niyang natutunan sa pelikula tungkol sa love, respect, choices at decisions in life. “Yung pagiging kabit, natural lang ‘yun. Nangyayari talaga ‘yun. Pero choice mo ‘yun, to stay sa gano’ng relationsh­ip or let go.” Kaya ba niyang maging kabit in real life? “Ay, hindi ko kaya. Maka-Diyos ako. Sa akin lang ‘yun, ha? Wala akong intensiyon nai-offend ‘yung ibang tao.”

Mall show

May mall show ngayong Linggo at 5 p.m. sa Marquee Mall, Angeles City sina Megan Young, Tom Rodriguez, Jaya at Dion Ignacio. Sugod mga Kapuso at makisaya sa stars ng “MariMar.”

Pagkakatao­n n’yo nang makita sa personal at makadaupan­gpalad ang mga nabanggit na Kapuso stars. Pasasalama­t na rin nila ito sa mga sumusubayb­ay sa “MariMar” na napapanood weeknights sa GMA Telebabad pagkatapos ng “24 Oras.”

 ??  ?? KIM Chiu
MEGAN Young and Tom Rodriguez
KIM Chiu MEGAN Young and Tom Rodriguez

Newspapers in English

Newspapers from Philippines