Tempo

Sarah says Matteo still her boyfriend

- By GLENN REGONDOLA

ITINANGGI ni Sarah Geronimo na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli sa kabila ng mga intrigang merong problema sa pagitan nila ngayon.

Sa presscon ng kanyang two-night concert na may titulong “From The Top” na gagawin sa Araneta Coliseum ngayong December 4-5, klinaro nga ng Popstar ang tungkol sa bagay na ito.

Aniya, “Hindi pa naman kami naghihiwal­ay.

“Isipin na nila kung ano ang gusto nilang isipin.

“Dumating na ako sa pagkakatao­n na isipin niyo na ang gusto niyong isipin, sabihin niyo ang gusto niyong sabihin.”

Sabi pa niya, “Alam ko kung ano ang buhay ko, alam ko kung ano ang nangyayari sa amin. “It’s my decision to keep it to myself.” Dahil sinigurado naman niyang walang hiwalayang nangyari, marami tuloy ang naging curious kung ang susunod bang pag-uusapan ay ang kanilang kasal?

Diretsong sagot ng Viva singer-actress, “Siyempre, darating at darating yun.

“Malapit na nga akong mag-30, marrying age na nga po ako, e.

“Pero, alam ko po sa sarili ko na marami pa akong dapat ayusin. “Malayu-layo pa. “Wala pa namang seryosong paguusap.”

Samantala, dahil nga concert niya ito, inaasahan ng kaniyang supporters na darating ang kanyang boyfriend, at baka maging special guest pa niya si Matteo.

Walang katiyakan ang naging sagot ni Sarah sa usaping ito.

Ayon sa kanya, “Magiging busy kami pareho.

“Napag-usapan na namin na as much as possible i-separate ang mga trabaho sa isa’t isa.”

Kaya, maging sa concert ni Matteo sa November 28 ay wala ring katiyakan na makikita siya sa audience, pero ang isang bagay na tiyak ay suportado nila ang isa’t isa sa lahat ng mga adhikain nila sa buhay.

 ??  ?? SARAH Geronimo
SARAH Geronimo

Newspapers in English

Newspapers from Philippines