Tempo

Kris B awed by costars Nora, Eddie

- By RUEL J. MENDOZA

MATAGAL bago ulit nagbida ang Kapuso actress na si Kris Bernal ng isang teleserye kaya naging masaya ito nang ibigay sa kanya ang bagong aabangang teleserye ng GMA-7 na “Little Nanay.”

Inamin ni Kris na sobra siyang na-starstruck sa isa sa co-stars niya, ang nagiisang Superstar na si Ms. Nora Aunor.

“Sino naman ang hindi maistarstr­uck, eh, superstar ’yan. Si Ms. Nora Aunor ’yan at makakasama ko siya sa isang teleserye.

“Talagang hindi ko pinalagpas na magpa-selfie sa kanya!” masayang kuwento pa ni Kris.

Pinagdasal daw ni Kris na mabigyan siya ng teleseryen­g muling masusubok ang kakayahan niya sa pag-arte.

Huling teleserye ni Kris ay ang “Hiram Na Alaala” kung saan nakapareha niya sina Dennis Trillo at Rocco Nacino.

“Natutuwa lang ako kasi kahit na matagal akong naghintay for a new teleserye, heto at ang ganda naman ng role na binigay sa akin sa ‘Little Nanay.’

“Tapos hindi lang si Ms. Nora Aunor ang kasama ko kundi pati si Mr. Eddie Garcia.

“Si Tito Eddie, nakatrabah­o ko na siya before sa ‘Koreana’ in 2010. Kaya ang suwerte kong napasama ako sa teleseryen­g ito,” diin pa niya.

Kasama rin sa cast sina Bembol Roco, Gladys Reyes, Keempee de Leon, Hiro Peralta, Juancho Trivino at Mark Herras.

Sa “Little Nanay” ay gaganap si Kris bilang isang nanay na may mental disorder. Ang anak niya rito ay gagampanan ni Chlaui Malayao.

“Mother ako dito na may sakit na schizophre­nia.

“Bukod sa acting workshop, nag-consult din kami sa isang psychiatri­st para alam namin kung ano ba talaga ang sakit na ito. May mga nakausap din akong patients na may ganitong disorder.

“Gusto ko kasing malaman kung paano at ano ba ang naiisip nila at kung paano sila makitungo sa ibang tao.”

 ??  ?? KRIS Bernal with Superstar Nora Aunor
KRIS Bernal with Superstar Nora Aunor

Newspapers in English

Newspapers from Philippines