Tempo

John Lloyd, grateful sa ginawa sa kanya ni Ellen

-

MAY mga galos sa braso si Thea Tolentino nang nakausap namin sa taping ng “Haplos.” Sobrang intense raw kasi ng fight scenes nila ni Sanya Lopez at hindi talaga maiwasang magkasakit­an sila physically. May mga pagkakatao­n pang naghahyper ventilate siya, ani Thea.

Nadadalas ang fight scenes nila dahil naglalaban­an na sila ng kanikanila­ng powers. Ani Thea, walang personalan at trabaho lang ang ginagawa nila.

May bahid ba siya ng pagiging maldita in real life? Ani Thea, minsan lang nangyari ‘yun. Taping ‘yun ng isang teleserye na ginawa niya in 2005. Isang co-star niya (ayaw niyang banggitin ang pangalan) ang panay ang parinig sa kanya ng kung anu-ano, kaya napikon siya. Pinagmaldi­tahan niya, kaya natameme ito.

“Nagmamaldi­ta lang naman ako kapag sangkot ang family at friends ko. Talagang ipinagtata­nggol ko sila,” ani Thea.

Kumusta naman sila ng exboyfrien­d niyang si Mikoy Morales? “Okey kami. Mutual decision namin ang mag-break para makapagfoc­us kami sa careers namin. Open ako for a reconcilia­tion, if ever. Naniniwala ako na kung kami talaga, mangyayari ‘yun sa tamang panahon.”

Magkasunod nanganak sina Camille Prats at Maya (Angeli Mae Flores) na parehong baby girls ang isinilang nila. Sept. 22 nanganak si Camille na pinangalan­an nilang Nala Camilla ang first baby nila ng husband niyang si JV Yambao.

Sept. 23 naman nanganak si Maya sa baby nila ni Geoff Eigenmann na pinangalan­an nilang Arabella Simone.

May anak si Camille sa yumaong first husband niya, si Anthony

Linsangan. Nathan ang pangalan, samantalan­g Ice naman ang pangalan ng anak ni JV sa previous relationsh­ip niya.

Pregnant naman sina Pauleen Luna, Michelle Madrigal, Kaye Abad, Isabelle Daza, Karen delos Reyes, Sarah Lahbati, and who else pa ba?

Baduy

Kung nagpapakal­igaya sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa piling ng isa’t-isa, nagpakalig­aya rin ang ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban at Glaiza de Castro sa bakasyon nila sa Nepal.

Sobrang nag-enjoy sila sa Bhutan trip nila at nakapasyal sila sa iba’tibang lugar. Huwag nang pa-hopia si Angelica na magkakabal­ikan pa sila ni JLC dahil obvious na sobrang pinapasaya ito ni Ellen.

Ang caption nga ni JLC sa kissing photo nila, “Sobrang baduy neto, pero this girl really did something good to my soul. I’ll always be grateful.” Ano kaya ang ginawa ni Ellen?

 ??  ?? JOHN Lloyd Cruz and Ellen Adarna (Instagram)
JOHN Lloyd Cruz and Ellen Adarna (Instagram)
 ??  ??
 ??  ?? SANYA Lopez THEA Tolentino
SANYA Lopez THEA Tolentino

Newspapers in English

Newspapers from Philippines