Tempo

Rocco Nacino , rarampa sa isang underwear fashion show

-

NASIMULAN na ang constructi­on ng dream house ni Rocco Nacino malapit sa Valley Golf Club, Antipolo City. Hopefully, matatapos ‘yun in a year and a half.

“Ang hirap pala magpagawa ng bahay. Magastos, kaya todo kayod ako ngayon. Mas ganado akong magtrabaho dahil ayokong mabitin ang pagpapagaw­a ko ng bahay. Gusto ko’y tuluy-tuloy,” ani Rocco sa interbyu sa kanya sa taping ng “Haplos.”

Bukod sa showbiz earnings ni Rocco at ibang ka-“racketan,” may restaurant business siya. Walo na ang kanyang restaurant­s na mga kaibigan niya ang kanyang business partners. Meron pa siyang dalawang branch ng gym.

Next investment ng “Haplos” star ay real estate. Hindi forever ang kanyang showbiz career, kaya gusto niyang may mga investment siya, ani Rocco.

Eight years na sa showbiz si Rocco na produkto siya ng “Starstruck.” Feeling blessed siya sa rami ng na-achieve niya sa loob ng walong taon.

Nanalo na siya ng award, sunudsunod ang TV at movie projects niya. May shows siya here and abroad.

Kamakailan ay kasama ni Rocco ang kanyang pamilya na nagbakasyo­n sa Amsterdam at Europe. Nagpunta sila sa Rome, Vienna, Germany at Belgium.

This week, sasali si Rocco sa jui jitsu competitio­n na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena.

Rarampa rin siya sa Bench underwear fashion show na gaganapin on

November 18. Kinakarir ni Rocco ang pagwo-workout dahil first time niyang rarampa na naka-underwear. Aniya, matagal na siyang inaalok ni Ben Chan (owner ng Bench Clothing line) na rumampa sa fashion show, pero tinatanggi­han niya. “Feeling ko kasi, hindi pa ako ready noon. This is it!” pagtatapos ni Rocco. (Rowena Agilada)

 ?? (Instagram) ?? ROCCO Nacino
(Instagram) ROCCO Nacino

Newspapers in English

Newspapers from Philippines