Tempo

Atom Araullo, kinaiinggi­tan

-

HINDI lang pala sa mga artista ang may inggitan, intriga or whatever. May tsikang nakarating sa amin na diumano, isang GMA News reporter ang tila hindi raw welcome rito ang pagbalik ni Atom Araullo sa Kapuso Network.

Tila may halong inggit o insecurity ang news reporter kay Atom. Threathene­d kaya ito sa guwapitong nagbalik-Kapuso? Ayon sa tsikang nasagap namin, diumano, may hindi raw magandang komento ang news reporter tungkol kay Atom.

Pero kapag magkaharap naman daw at magkausap ang dalawa, mukhang okey naman sa news reporter ang pagbalik-GMA ni Atom. Plastikan ba ito? Sino kaya ang news reporter na ito?

Lie-low

Matagal nang alam ni Aiko Melendez na may non-showbiz girlfriend si Jomari Yllana. Hindi na siya nagulat nang malamang two months pregnant ang GF ng kanyang ex-husband.

Mismong ang girl ang nag-post sa social media ng kanyang kalagayan. Si Aiko naman, balitang may nonshowbiz guy na nanliligaw sa kanya ngayon. Nasa dating stage pa lang sila,ayon sa aktres.

Huling nakarelasy­on ni Aiko ay isang foreigner. Pero hindi sila nagtagal at nauwi ‘yun sa hiwalayan.

Pangalawan­g anak ni Jom ang isisilang ng kanyang live-in partner. Eighteen years old na ang panganay niya kay Aiko na si Andre. Nag-soshowbiz na rin ito.

Si Aiko naman ay may anak na babae (Marthena) sa isa pa niyang ex-partner na si Martin Jickain.

Lie-low muna ngayon si Jomari sa showbiz na ang pagiging public servant ang pinagkakaa­balahan niya. Councilor siya sa Paranaque.

Enjoy!

Ang guwapo ng rehistro sa screen ni Kristoffer Martin. Kitang-kita ‘yun lalo na kapag kino-close-up ang mukha niya sa mga eksena niya sa “Super Ma’am.” Kilig-kiligan ang kanyang fans.

Hindi lang ang kaguwapuha­n ni Kristoffer ang kapansin-pansin. Pati akting niya na kahit isang simpleng eksena lang o dialogue, dama ang emosyon ng Kapuso actor.

Agaw-pansin din ang hairstyle ni Kristoffer na maraming millennial­s ang gumagaya. Natutuwa siya na bahagi siya ng “Super Ma’am.” Kapag nakikita siya sa public places, Ace (pangalan ng karakter niya) ang tawag sa kanya.

“Nakakatuwa dahil ibig sabihin, nanonood sila ng “Super Ma’am.” Natatandaa­n nila ang karakter ko,”ani Kristoffer. Wish niyang magtagal pa ang stint niya sa naturang GMA fantaserye dahil nag-e-enjoy siya, hindi lang sa show,kundi pati sa co-workers niya.

 ??  ?? ATOM Araullo
ATOM Araullo
 ??  ?? AIKO Melendez
AIKO Melendez
 ??  ?? KRISTOFFER Martin
KRISTOFFER Martin

Newspapers in English

Newspapers from Philippines