Tempo

Paolo on playing Barbi: ‘Sobrang pressure, di ako makahinga!’

- By RUEL J. MENDOZA

Inamin ni Paolo Ballestero­s na malaking pressure ang pag-revive niya ng isa sa loveable screen characters ni Joey de Leon na si Barbi.

Ayon kay Paolo, kailangan maging hit din sa box-office ang Barbi D’Wonder Beki tulad ng tatlong Barbi films ni Joey noon.

“Sa sobrang pressure, di ako makahinga!

“Kinalakiha­n ko po ang Barbi ni Tito Joey. Dalagindin­g ako noon at enjoy na enjoy akong pinanonood siya.

“I never thought na balang araw, gagawin ko rin pala ‘yung Barbi.”

Pero hindi raw ang maging Barbi ang unang pinangarap na maging ni Paolo noong bata siya.

“Nangarap akong maging Wonder Woman.

“Pero bago siya, si Dyesebel muna!” tawa pa niya ulit.

Mas malaking effort daw ang preparatio­ns ni Paolo as Barbi kesa sa awardwinni­ng role niya sa Die Beautiful.

“Dito, lagi akong naka-full make up kaya mas matagal gawin, pati hairdo.

“At mas marami rin kaming full length musical production numbers.

“Si Tito Joey, minahal talaga ng tao as Barbi kasi tatlong Barbi movies ang nagawa niya.

“So sana po, suportahan ninyo itong Barbi D’Wonder Beki. Pa-birthday gift na ninyo sa akin kasi sa opening ng movie on November 29, birthday ko rin ‘yon. Kaya please help us,” ngiti pa ni Paolo.

Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin makapaniwa­la si Paolo Ballestero­s na uma-attend siya ng presscon na siya ang bida.

Dati-rati raw ay a-attend siya ng presscon dahil kasama siya sa cast. Ngayon daw ay sa kanya na nakasentro ang mga tanong.

“Nakaka-overwhelm pa rin. Never kong naisip na darating ako sa ganito. ‘Yung ako ang bida, ako ang parating tinatanong. Nakakapani­bago lang talaga.

“Kasi, sa totoo lang, hindi pa nagsisync in sa akin ‘yung nangyari with Die Beautiful. Para sa akin, magandang panaginip ang lahat nang nangyari last year.

“Kaya heto, with Barbi D’Wonder Beki, gano’n pa rin ang feeling ko. Parang panaginip pa rin ito.”

 ??  ?? PAOLO Ballestero­s
PAOLO Ballestero­s

Newspapers in English

Newspapers from Philippines