Tempo

Xian denies proposing to Kim Chiu

- By GLEN P. SIBONGA

PINABULAAN­AN ni Xian Lim na nag-propose na siya kay Kim Chiu sa nakaraan nilang trip sa Europe. Nagenjoy lang daw sila sa kanilang winter vacation noong holidays sa Denmark at Finland.

“Matagal pa ako… matagal pa yung mga plano. Dapat plantsado muna. Next time na yun, next time na yung mga ganun,” paglilinaw ni Xian sa kanyang guest appearance sa ABSCBN morning talk show na Magandang Buhay.

Ang mahalaga raw ay nagkaroon ulit sila ng bonding moments ni Kim sa abroad. Mas nakilala pa raw nila ang isa’t isa sa bakasyon nilang ito. “It was really fun kasi matagal na rin kaming hindi nagkakaroo­n ng ganung karaming oras for each other. And siyempre sobrang saya, I mean I can go on and on yung mga happy moments, pero at the same time magkakaroo­n din kayo ng mga misunderst­andings. Pero masaya lang. Dapat siguro kung busy kayong tao, dapat mag-allot kayo ng time para sa isa’t isa para naman makapag-catch up. Para naman hindi napag-iiwanan yung pagmamahal­an niyo sa isa’t isa.”

May ikinuwento pa si Xian kung saan kahit medyo nainis siya dahil gutom na gutom na siya ay pinagbigya­n niya pa rin si Kim sa kagustuhan nitong makapagpa-picture kay Santa Claus kahit pa napakahaba ng pila. “Iyon nga ang dami-dami ng itinerary, parang wala ng time para kumain. E ako naman parang gustung-guto ko palaging kumain. So, parang pakagat pa lang ako ng burger, sabi niya, ‘Tara na, tara na! Kailangan na nating pumila.’ E yung pila pala na yun three hours yung pila na yun na parang pasikot-sikot na ganun.”

Sa naunang interview ng Magandang Buhay kay Kim, sinabi ng aktres na nadiscover niya na kapag gutom pala si Xian ay mainit ang ulo nito. Ano naman ang na-discover niya kay Kim? “Siya rin naman nagagalit. Mas maraming beses pa nga siyang nagalit,” natatawang sabi ni Xian.

Sa kabila nito, dahil daw sa mga nadi-discover nilang ugali ng bawat isa ay mas nagiging close pa sila kasi natuto silang mag-adjust sa isa’t isa.

 ?? (Instagram) ?? XIAN Lim and Kim Chui
(Instagram) XIAN Lim and Kim Chui

Newspapers in English

Newspapers from Philippines