Tempo

36 estudyante sinugod sa ospital

- By MALU CADELINA MANAR

KIDAPAWAN CITY – Isinugod sa ospital Biyernes ang 36 na estudyante ng Pigkawayan high school sa Pigkawayan, Cotabato, matapos itong magsipagre­klamo ng pananakit ng ulo at tiyan.

Ayon kay superinten­dent Omar Obas, opisyal ng Department of Education (DepEd)-Cotabato schools division, nagsimula ang lahat ng biglang magsusuka ang isang babaeng estudyante makaraan ito’y bigyan ng ferrous sulfate kasama ng kanyang mga kaklase bilang health supplement ng isang staff ng eskwelahan.

Ani Obas, “‘Di kalaunan sunodsunod na rin nagsipagre­klamo ang mga ibang estyudyant­e ng pananakit ng ulo at tiyan kaya’t agad silang isinugod sa pinakamala­pit na ospital.”

Nguni’t ayon naman sa doktor na sumuri sa mga bata, “mass hysteria” lamang daw ang nangyari sanhi ng negatibong balita tungkol sa Dengvaxia vaccine.

Nakauwi na ang mga estudyante sa kani-kanilang mga bahay.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines