Tempo

4th Impact, may pay it forward project na niluluto!

- (Laila Chikadora)

HANDANG-handa na ang National Commission for Culture and the Arts para sa paparating na National Arts Month na aariba sa Feb. 3 at 4 sa Rizal Park! Maraming libreng pa-concert at iba’t ibang libreng activities pero para sa mga far far away, huwag mag-alala dahil lilibutin ng NCCA ang buong bansa para magbigay ng libreng workshops at classes sa selebrasyo­n ng Arts Month o Proclamati­on 683 of 1991.

Mas pinasaya naman ng 4th Impact ang presscon. Bago pa man nakilala sa the “X Factor UK,” world class na ang Cercado sisters na nanalo na sa WCOPA noong 2006 at 2013. Lahat daw ng mga ito, ay dahil sa pagsuporta ng NCCA. Kaya naman para sa magkakapat­id, push lang ang pangarap pati ang sining ng musika! Bilang tulong sa ibang Pinoy na puno ng pangarap sa pag-awit ngunit salat sa kaperahan, plano ng magkakapat­id na magtayo ng libreng Performing Arts School. Say ni Irene at Almira, “Gusto po namin ‘yun in the future, mashare namin kung ano natutunan namin.” “Kasi dun kami nagsimula eh. May nag-scholar sa akin tapos shinare ko lang sa mga sister ko so ‘yun ang nae-envision namin, i-share sa mga Pinoy na walang pambayad ng tuition fee para makapag aral ng music.”

“Through one’s music po we can inspire people to never give up on your dreams.”

 ??  ?? CERCADO sisters of 4th Impact (from left) Almira, Celina, Irene, and Mylene.
CERCADO sisters of 4th Impact (from left) Almira, Celina, Irene, and Mylene.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines