Tempo

Controvers­ial tweet ni Carlo Aquino, para kanino nga ba?

-

“MATALIK na kaibigan, maari ba kitang maging matalik na pag-ibig?” ‘Yan ang tanong ni Carlo Aquino sa kanyang post sa social media site na Twitter.

Para tuloy matutunaw ang lahat ng yelo sa “St. Galen,” ang location ng latest movie ni Carlo nang di sinasadyan­g magisa siya ng media sa presscon nito. Spekulasyo­n kasi ng press na maaaring ang ex na si Angelica Panganiban ang pinasasari­ngan nito. Laking sisi naman ni Carlo kung bakit niya naituweet pa iyon! Eh sino ba kasi tong matalik na kaibigan na ito? Say ni Carlo, “Bakit pa kasi naitweet ko pa ‘yun? Wala, wala akong pinapatama­an o inaalayan ng tweet na ‘yun, random thought lang ‘yun na-inspire lang ‘yun kasi nga galing lang ako sa Panglao.”

Naku Carlo, baka naman akala mo lang wala, pero meron meron meron! Charot!

Moving on, humingi ng space at respeto si Carlo sa media na kung puwede sana’y wag muna pag-usapan si Angelica dahil tatlong buwan pa lang mula nang maghiwalay sila ng kanyang live-in partner of seven years. Paki-usap ni Carlo, “Out of respect na lang sa ex ko, ayaw ko lang na, kasi ang dami nating pinag-uusapan tapos wala siyang means na magsalita tapos kung anu-ano nababasa niya sa social media, gusto ko lang bigyan siya ng respeto, oras, panahon.”

Kahit pigain pa ng media, ayaw idetalye ni Carlo kung ano ang dahilan ng hiwalayan. Siya daw ang nakipaghiw­alay sa kanyang ka-live-in. “Siguro nag-mature lang nag-ibang way kaming dalawa. Isa rin po kasi ‘yung mga projects, paminsan di ako nakakauwi. O pag nasa bahay ako siya naman ang wala.”

Hindi rin naman niya isinasanta­bi ang posibleng pagbabalik­an nila pero, di pa ngayon. Naluluhang sagot niya sa amin, “Hindi ko sinasarado ang possibilit­y, pero for now magpapagal­ing muna ako. Nagkakatex­t naman kami, pero wala pa sa proseso na sinusubaka­n namin.”

Hindi rin daw nakikita ni Carlo for now na possibleng umusbong muli ang pag-ibig sa pagitan nila ni Angelica dahil fresh pa ang hiwalayan nila ng ka-live-in, pero inamin naman ni Carlo na hindi nawawala ang pagmamahal nito kay Angelica. “Ever since naman eh, hindi naman nawala ‘yun eh. Siyempre mahal ko siya na I care for her, never nawala ‘yun eh. Lagi naman kami magkatext. Hindi naging issue ‘yun nung ex ko.” (Laila Chikadora)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines