Tempo

Piolo Pascual bumisita sa Marawi

- By LAILA CHIKADORA

SA press conference ng “Meet Me In St. Galen” starring Bela Padilla at Carlo Aquino, na-corner ng media si Piolo Pascual bago ito umalis. Nais kasi ni Papa P na kina Bela at Carlo mapunta ang limelight imbis na sa kanya na nagproduce ng movie. But no!..., hinabol pa din ng media ang ka-pogian ni Papa P bago um-exit sa venue.

Ikinuwento ni PJ na nagpunta sila ni Direk Joyce Bernal last week sa Marawi. Say ni PJ, ito ay para magoccular at magpaalam sa Mayor kung maaari silang gumawa ng pelikula doon. Say ni PJ.

“The reason why we went there is to check out the place para makita kung saan kami puwede mag-shoot kasi nire-rehab na ‘yung lugar. Nagpaalam kami, nag-courtesy call kay Mayor, nagpaalam kami sa militar para mag-shoot dun.”

Ginagawa na sa kasalukuya­n ang script ng pelikula na wala pang working title. Nagla-line up pa din sila ng mga posibleng bibida at papayag na hindi sila maambunan ng talent fee dahil say ni PJ, for charity ang lahat ng proceeds ng pelikula. “Ito ‘yung what Kuya Binoe started, ‘yung Tindig Marawi, so ‘yung mga donations kasi hindi sapat so coming up with a film and then advocacy, kasi kaming lahat dito pro bono from the producers to everyone then whatever proceeds we’re gonna get para ‘yun sa housing ng Marawi.”

Say pa ng Kapamilya star, sa mga ganitong paraan niya nakikita na maaring magamit ang kanyang pagiging artista para makatulong sa kapwa. “Puwede natin gamitin ang platform natin to raise awareness para makatulong pa, kasi natapos na ang war pero the conflict doesn’t end there, marami pa rin ang displaced a lot of people don’t have their homes back. We cannot turn a blind eye anymore with what’s happening to our country, it’s important that we get involved, it’s important that we are aware dun sa nangyari para hindi na mangyari ulit para makatulong tayo, para malaman ng tao na isang bayan tayo, hindi tayo divided by religion.”

Bravo Papa P! Siguradong pagpapalai­n ka ni Papa God! ‘Kaw na!

Newspapers in English

Newspapers from Philippines