Tempo

Sheryl Cruz sasabak sa pulitika?

-

TINIYAK ng isang taong malapit kay Sheryl Cruz na sasabak na ang aktres sa pulitika. Kakandidat­o diumano si Sheryl bilang konsehal sa isang distrito sa Tondo, Manila.

Taga-Tondo ang namayapang ama ni Sheryl, ang dating matinee idol na si Ricky Belmonte.

Ayon sa source, kasama si Sheryl sa binubuong line-up ng mga kakandidat­ong konsehal sa ilalim ng partido ni Mayor Joseph Estrada.

Sa October ang filing ng candidacy and by that time makukumpir­ma kung tatakbo nga si Sheryl sa May 2019 local elections.

Identical tattoos

May identical tattoos si Rocco Nacino at girlfriend Melissa Gohing. Nasa right ankle ang kay Rocco, samantalan­g nasa left ankle ang kay Melissa.

Ang kilalang “mambabatok” (traditiona­l tattoo artist) na si

Whang Od ang naglagay ng stick figure Ginawa rin ‘yun ni Robin Padilla na nagpa-tattoo tattoos kina Rocco at Melissa. Natatandaa­n namin na noong together pa sina Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto ay nagpa-tattoo sila ng kanilang pangalan sa kani-kanilang ankles. Unfortunat­ely, naghiwalay sila. Noong together pa sina Romnick Sarmenta at Sheryl Cruz ay nagpatatto­o si Romnick sa kanyang braso ng pangalan ni Sheryl. Unfortunat­ely, naghiwalay din sila.

Ginawa rin ‘yun ni Robin Padilla na nagpa-tattoo ng pangalan ni Sharon Cuneta noong together pa sila. Naghiwalay din sila.

Huwag naman sanang mangyari ‘yun kina Rocco at Melissa.

Pasaway

Pasaway at unprofessi­onal ang image ni Jackie Rice noong bago pa lamang siya sa showbiz. Produkto siya ng “Starstruck” at ayon kay Gina Alajar na isa sa mga naging mentor ni Jackie, hindi ito seryoso sa career. Magka-work ngayon sina Gina at Jackie sa “Hindi Ko Kayang Iwan Ka” na ayon kay Alajar, malaki na ang ipinagbago ni Jackie. Profession­al at seryoso na ito sa trabaho.

Postponed

Napostpone ang bakasyon sa Japan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Sobrang busy kasi sila sa kanilang trabaho.

All-expense paid trip to Japan ang birthday gift ni Miguel kay Bianca noong nakaraang 18th birthday ng dalaga. Dream vacation ‘yun ni Bianca at first time niyang mag-a-abroad.

 ??  ?? SHERYL Cruz
SHERYL Cruz
 ??  ?? JACKIE Rice
JACKIE Rice
 ??  ?? ROCCO Nacino
ROCCO Nacino

Newspapers in English

Newspapers from Philippines