Tempo

Sharon crush si Gong Yoo

- By ROBERT R. REQUINTINA

MAY “karibal” si Anne Curtis sa Korean superstar na si Gong Yoo. Ito ay walang iba kundi ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Tulad ni Anne, patay na patay din si Sharon kay Gong Yoo at ito ay kanyang ipinadaram­a sa kanyang mga Facebook posts.

Sa kanyang post, ipinakita ni Sharon ang mga DVD ng pelikula at television series ni Gong Yoo na inorder pa niya sa abroad.

Bukod pa rito ay napakarami niyang Gong Yoo key holder na nakasabit sa kanyang mga mamahaling handbag.

In fairness, mas naunang naging fanatic si Anne kay Sharon kay Gong Yoo, lead star ng blockbuste­r movie na “Train to Busan.”

Noong 2017 pa nagpo-post si Anne ng mga memorabili­a o souvenir items ni Gong Yoo sa kanyang Instagram.

Ngayong taon pa lamang nagsimulan­g mahumaling si Sharon kay Gong Yoo.

Nakaka-aliw ang mga meme na gawa ng mga fans ni Sharon tungkol kay Gong Yoo at ipino-post naman nito sa social media. Merong posts na kunyari ay mag-sweetheart­s sila na nagkagalit at nagkabati. May isang movie poster si Sharon na ipinalit ang mukha ni Gong Yoo sa kanyang leading man.

Ginawa na ring wallpaper ni Sharon si Gong Yoo sa kanyang cellphone. Meron ding siyang mga Gong Yoo pillows.

Sey ni Sharon sa FB, “I saw ‘Train to Busan’ the first time it came out. So clueless! Just found out si Gong Yoo pala star doon! Bakit di ko siya ni-crush then?! Hahaha! Pero sabi ko na cute siya. Watching it again now. Ito namang isa sa best friends ko sabi sakin cute siya but he reminds her of Kuya Kim.

“Nahiya tuloy ako kay Kuya Kim na magkacrush ako kay Gong Yoo! Buiset ka friend but i love you! Hahaha! Nakakahiya pero sorry. Jusko naman artistang Korean na nga na di man alam na buhay ako ipagkakait ko pa sa sarili ko eh oks na oks naman dito kay Kik-Yoo na asawa ko. Hahaha!”

 ??  ?? SHARON Cuneta
SHARON Cuneta

Newspapers in English

Newspapers from Philippines