Dumalo kaya?
IIMBITAHIN daw ni Lotlot de Leon sa kasal nila ng Lebanese fiance’ niyang si Fadi del Soury ang kanyang Mommy Nora Aunor. Dumalo kaya ang Superstar?
Sa Dec. 17 ang beach wedding nina Lotlot at Fadi sa isang beach resort sa Batangas. Bahagi ng entourage ang mga anak ni Lotlot na sina Janine, Jessica at Maxine. Ang only son niyang si Diego ang maghahatid kay Lotlot.
Matatandaang noong unang kasal ni Lotlot kay Ramon Christopher Gutierrez sa Club Filipino ay nahuli ng dating si Nora. Sakaling dadalo siya sa second wedding ni Lotlot, huwag naman sana siyang ma-late ng dating para masaksihan niya ang buong seremonya.
Kapag dumating ang Superstar, matutuldukan na ang matagal nang hidwaan nila ni Lotlot.
For the longest time, walang communication ang mag-ina.
Enjoy!
Mukhang nag-e-enjoy talaga si John Lloyd Cruz sa buhay niya ngayon bilang isang ordinaryong tao. Wala siyang pakialam kung makita siya sa mga pampublikong lugar.
Spotted si John Lloyd na nakasakay sa unahan ng isang jeepney passenger na bumibiyahe papuntang UP campus paikot sa may QC. Isang netizen na nakasakay niya ang nag-upload sa socmed at nag-viral ang photo ni JLC na naka-simpleng t-shirt, shorts at naka-shades.
Noong mga nakaraang buwan, spotted si JLC na bumibili ng prutas sa isang fruit stand. Nakita rin siyang kumakain ng balut sa kalye. Nakipag-jamming din si JLC sa isang bar kasama ang ilang non-showbiz friends. Nakita rin siyang nagpa-haircut sa isang barber shop na ₱40 lang ang singil.
October last year iniwan ni JLC ang showbiz at mas pinili ang simpleng buhay kasama si Ellen Adarna. May anak na sila ngayon na pinangalanan nilang Elias Modesto.
First love
First love ni Direk Paul Soriano si Toni Gonzaga. Pinakasalan pa niya at may 2-year old son na sila. Wala pa silang balak sundan si Seve dahil ini-enjoy pa nila ang bagets. Sa L.A. isinelebreyt nila ang 2nd birthday ni Seve last Sept. 30. Sa Oct. 17 naman ang birthday ni Direk Paul na ang wish niya, maraming manood ng “First Love.” Pinagbibidahan ito nina Aga Muhlach at Bea Alonzo na ka-birthday ni Direk Paul.