Tempo

Nag-rebelde

- Rowena Agilada

SA mediacon ng “The Girl In The Orange Dress,” inamin ni Jericho Rosales na nag-rebelde siya noon. Feeling niya, ang daming problema sa showbiz industry. Na-burn-out daw siya at ayaw na niyang magtrabaho. Gusto niyang maging normal person na lang.

Ayon pa kay Jericho, nakaranas din siya ng pamba-bash mula sa netizens. Nakakagali­t raw talaga ito to the point na gusto na niyang patulan. Pero ipinabahal­a na lang niya kay Lord dahil wala naman daw siyang mapapala kung magpapadal­a siya ng galit.

Si Jessy Mendiola na leading lady niya sa “The Girl In The Orange Dress” ay nakaranas din ng sobrang pamba-bash mula sa netizens, kaya pinayuhan siya ni Jericho na huwag na lang pansinin.

Flattered naman si Jericho sa inamin ni Jessy noong mediacon ng “The Girl In The Orange Dress” na crush siya ng dalaga. Wala itong kilalang artista noon kundi si Jericho lang.

Official entry sa MMFF ang “The Girl In The Orange Dress” na handog ng Quantum Films.

Natagpuan na

Natagpuan na ni JC de Vera ang kanyang one great love. Aniya sa mediacon ng “One Great Love,” sobrang happy siya sa estado ng buhay niya ngayon sa piling ng kanyang non-showbiz wife and their 8-month old baby girl. Wala na siyang mahihiling pa, ani JC . Kita naman sa aura ng aktor ang kaligayaha­ng nadarama ngayon bilang isang family man.

During his younger days, may mga nakarelasy­ong aktres si JC na may respective families na rin ngayon.

Thankful siya na kahit may asawa’t anak na siya ay okay pa rin ang takbo ng kanyang career.

 ??  ?? JERICHO Rosales
JERICHO Rosales

Newspapers in English

Newspapers from Philippines