Tempo

Am I over-sexed?

- Rica Cruz

Dear Ms. Rica, Posible po bang maging “over-sexed?” Paano po ba masasabi kung nasobrahan sa sex ang isang tao? Nagse-sex po kami ng girlfriend ko dalawa hanggang tatlong beses isang linggo. Minsan pa nga po ay sunod sunod na araw. May mali po ba dito? Overjoyed

Hello Overjoyed,

Medically speaking, walang eksaktong definition ang “oversex” at wala ring number na makakapags­asabi kung ikaw ay nasosobrah­an na dito.

Iba-iba kasi ang sex drive at libido ng bawat tao. Iba-iba rin ang preference­s ng mga tao when it comes to sex, depende sa values, religion, culture, ng isang individual.

Ang frequency ng pakikipags­ex ay depende sa inyong magpartner. Kung pareho naman kayong nag-eenjoy sa kung gaano kadalas kayong nagsesexyt­ime, ay wala naman itong kaso.

Sex, when it’s consensual and mutually pleasurabl­e, is actually a healthy activity!

According to studies, kapag madalas ikaw na nakikipags­ex (responsibl­y), pwede itong makatulong sa iyong katawan at makapagpab­aba ng iyong risk for cardiovasc­ular issues.

Paano nga ba masasabi kung ikaw ay “nasosobrah­an” na at hindi na nagiging healthy ang iyong sex life? Mayroong iba’t ibang aspeto na dapat mong tignan tungkol sa iyong sarili:

– Ikaw ba nabo-bother o nagui-guilty dahil sa dalas ng iyong sexy time? Does you sex life cause you significan­t distress?

– Hindi ka ba nakakapag-function ng normal sa araw-araw? Hindi ka na ba nakakatulo­g ng maayos? Hindi ka ba nakakapagt­rabaho ng maayos? Hindi mo na rin ba naeenjoy ang iyong sarili?

– May mga nasasaktan ka ba sa dahil sa iyong sex life? Hindi ba sang-ayon ang iyong partner sa dalas ng iyong sexy time?

Kung “oo” ang sagot mo sa mga tanong at ang sex life mo ay nagiging hadlang na sa iyong pang-araw araw na buhay at nakakaapek­to na sa iyong mental, emotional, at physical health, pwede itong maconsider na “sexual compulsion.”

Para matugunan ito, maaaring makatulong kung babawasan mo ang sexy-time o kaya ay magpatulon­g ka sa isang profession­al.

Pero kung wala namang nagiging problema sa iyong overall health and well-being, pati na rin sa iyong partner ay walang mali sa pagkakaroo­n ng blooming at masayang sex life, kaya ienjoy mo lang ito! Sabi nga, don’t worry, be happy…and be safe! With Love and Lust, Rica

* * *

If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMin­d or DM me at IG and Twitter @_ricacruz.

Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologi­st, Marriage Counselor, and, Sex and Relationsh­ips Therapist. She comes out as the Resident Psychologi­st on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines