Tempo

Pigil na pigil!

- (Delia Cuaresma)

TWO years na as a couple and soon-to-be married na rin itong sina Moira dela Torre at Mark Jason Hernandez pero never pa daw silang nagkikiss man lang. Wow! Bago ninyo itaas ang inyong mga kilay, it would pay to know na ang dalawa ay parehong devoted Christians at bawal sa kanila ang intimacy outside marriage.

Sa kanilang interview with Boy Abunda on TV recently, inamin ni Moira na minsan na rin niyang tinangkang i-kiss ang boyfriend nguni’t tinanggiha­n daw siya nito.

The nerve!

Aniya, “Tito Boy, hindi niyo po alam kung anong nangyayari sa kotse kapag nagpi-PMS ako tapos gusto kong magkiss tapos ayaw niya. So naiiyak ako. Dalawang taon na kasi Tito Boy, medyo matagal na yung paghihinta­y.” Well, pinili mo ‘yan ‘day! Anyway, namanhikan na ang pamilya ni Jason noong Pasko.

Ayos daw kay Moira ito dahil paniwala niya, “Suwerte ang Noche Buenang pamamanhik­an.”

Aminado ang dalawa na ngayon pa lang ay excited na sila para sa kanilang honeymoon.

Siyempre naman! Kayo ba naman ang magpigil ng dalawang taon!

More than anything though, mas excited si Moira to have a “complete” family. Hiwalay kasi ang parents niya for so long.

Kuwento niya, “Because you know growing up I was always… if I was home with my Mom, I was missing my Dad. And if I was home with my Dad, I’d be missing my Mom. And this is the first time in my entire life where I am home with my family complete because he’s my family now.”

Dagdag pa niya, “And I’m very excited for the normalcy, for the quiet times we’ll be spending just understand­ing that we’re not alone, that I’m loved. I’m most excited for that.”

How Sweet!

 ??  ?? MOIRA dela Torre and Mark Jason Hernandez
MOIRA dela Torre and Mark Jason Hernandez

Newspapers in English

Newspapers from Philippines