Tempo

Masayang-masaya

- (Delia Cuaresma)

NAGSALITA na si Aljur Abrenica tungkol sa katatapos na kasal nila ni Kylie Padilla.

Ani ng aktor, masayang-masaya raw sila pareho ni Kylie na naganap ang kasal.

Inamin niya na noong una ay wala silang balak pakasal.

“Hanggang sa nakita ko ‘yung mga wedding ritual. Sabi ko ang ganda nito, may basbas ng Diyos. Tapos magsasama-sama ang buong pamilya, magkakakil­ala sila. So nagdecide kaming magpakasal,” ani Aljur sa interview niya sa “Magandang Buhay.”

Ngayon nga ay masayang masaya si Aljur sa piling ni Kylie.

Minsan na rin naghiwalay ang dalawa pero love is sweeter the second time around nga daw.

“Looking back nga after ng kasal namin doon namin nakita na kaya pala namin pinagdaana­n yon kasi dito kami dadalhin and it’s all worth it, all worth it,” ani Aljur.

Nang kamustahin ang relasyon niya sa tatay ng kanyang asawa na si Robin Padilla, aniya, “Si Papa Robin naman I respect him as a father, as a man, as an artist.”

“Ngayon kasi hindi ko maintindih­an ang pagkaiba ng father-in-law sa tatay. Ngayon parang tatay ko na rin siya. Ganun siya,” aniya.

Nagkaroon ng sama ng loob si Robin kay Aljur at Kylie dahil sa tila pagsawalan­g bahala nito sa usaping kasal matapos mailuwal ang kanilang supling.

We could only be happy na ayos na ang buto-buto!

Pak!

 ??  ?? ALJUR Abrenica
ALJUR Abrenica

Newspapers in English

Newspapers from Philippines