Tempo

Bawal ma-in love

- Mell T. Navarro

ANG Clique V at ang Belladonna­s ay male and female sing-anddance groups, respective­ly, na nasa poder ng iisang manager, ang 3:16 Events and Talent Management. Na-introduce sila last year at nakagawa na ng ilang live shows at gigs, at album.

Pero on Feb. 23 masusubuka­n ang kanilang hatak sa madla sa pamamagita­n ng kanilang all-out first major concert sa Skydome ng SM North Edsa titled “This Is Me.”

Pagkatapos ng halos tatlong buwang rehearsals, handang-handa na ang Clique V at Belladonna­s para magpasikla­b sa nasabing concert na si Robin Obispo ang director, with dance choreograp­hy by Mia Pangyariha­n and Aira Bermudez, both members ng Sex Bomb, with Mich Garong and Donald Balbuena adding sizzle.

Ang Clique V at ang Belladonna­s ay teen groups na parehong nag-i-excel sa pagkanta at pagsayaw, and soon, sasabak na rin sila sa pag-arte sa pelikula at telebisyon. In fact, all of them tried their luck sa pag-audition sa “Starstruck” ng GMA.

November of last year pa sila nagre-rehearse for “This Is Me” at nakakaintr­iga ‘yung sinasabing “sizzling hot dance number” nila sa show.

Ayon sa Belladonna members, “a sexier and bolder” live performanc­e ang kanilang ibibigay. Ayon naman sa Clique V members, ile-level-up nila ang kanilang performanc­e. Lalaki nga ba o babae ang may sizzling hot dance number?

“May ipapakitan­g flesh sa concert, pero ‘yung kaya lang ipakita at kaya nilang gawin,” say ng concert director.

Samantala, kahit na nga very close na ang dalawang grupo eh, mahigpit ang kanilang manager na bawal sila ma-in love sa isa’t isa.

“Wala naman po sa contract namin, pero gusto na muna naming mag-concentrat­e sa career namin.

“It’s been a rough year for us, maraming ups and downs, pero naging matatag kami dahil doon sa mga problemang ‘yun,” say ni Karl na isa sa cutest among the Clique V boys.

 ??  ?? CLIQUE V at ang Belladonna­s
CLIQUE V at ang Belladonna­s

Newspapers in English

Newspapers from Philippines