Tempo

Daga vs ipis

- Alex Calleja

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, lahat dito, pantaypant­ay! Huwag niyo nga lang seseryosoh­in kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin! •

Hi Alex,

Ang dami ng masasamang tao sa mundo, ang daming krimen, ang daming giyera! Nakakatako­t na! Hindi po ako relihiyoso­ng tao kaya ang tanong ko eh kung naniniwala kayo kung totoo na may impyerno?

Remy ng Alabang

Hi Remy,

Naniniwala ako na may impyerno dahil sa Tatay ko. Kasi kapag ginagabi ang Tatay ko at hinahanap ng Nanay ko, ang laging sinasabi ng Nanay ko eh ‘nasaan na naman kayang impyerno nagpunta ang Tatay ko’. At kapag umuwi ang tatay ko, sasabihin naman niya na ‘daig ko pa ang nasa impyerno’. Kaya totoo ang impyerno!

• Hi Alex,

May mga kaibigan akong vegan. Hindi daw sila kumakain ng hayop dahil may mga buhay daw ang mga ito. Hindi daw nila gusto na kinakatay ang mga hayop o kaya hinuhuli para kainin ng tao kaya puro gulay at prutas lang ang kinakain nila. Hindi rin sila umiinom ng gatas o kumakain ng itlog dahil galing din ito sa mga hayop. Ang gatas daw ng mga hayop eh para sa mga anak nilang hayop. Kapag kumain ka naman ng itlog, parang pinatay mo na rin ang hayop na nasa loob ng itlog. Tama po ba ang paniniwala ng mga vegetarian?

Missy ng Makati City

Hi Missy,

Habang binabasa ko ang sulat mo eh kumakain ako ng napakalamb­ot na steak. Hayaan mo ang mga vegan sa mga paniniwala nila! Kumain ka ng kumain ng pagkaing gusto mo. May buhay ang mga hayop pero may buhay din ang mga gulay! Kapag binubunot mo sila sa lupa o kaya pinipitas mo sa puno, pinapatay mo rin sila. May buhay sila dahil marami akong kilala na kinakausap ang mga halaman na parang tao! Hayaan mo lang ang mga vegan na iwasan ang mga pagkaing galing sa hayop para wala tayong kahati!

• Hi Alex,

Kapag nagkasalub­ong ang ipis at daga, sino ang unang sisigaw?

Kyla ng Divisoria

Hi Kyla,

Unang sisigaw ang daga kasi nerbyoso ang daga! Di’ba kapag dinadaga ang dibdib mo ang ibig sabihin nininerbyo­s ka! Kahit kailan hindi pa inipis ang dibdib mo! Kaya unang sisigaw ang daga. Lalong sisigaw ang daga kapag lumipad ang ipis! Talo na naman ang daga dito kasi sila hindi nakakalipa­d. Kapag nagkapakpa­k ang daga, hindi na siya daga, mukha na siyang paniki!

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcallej­a1007@yahoo.com facebook/twitter/instagram: alexcallej­a1007

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines