Tempo

Cheater, mang-aagaw!

-

HINDI na kataka-taka kung mabalitaan nating nagkakamab­utihan na sina Derek Ramsay at Andrea Torres. Expected na ‘yun dahil may upcoming teleserye sila, “The Better Woman.” Kahit sinabi pa ni Derek na walang kinalaman si Andrea sa break-up nila ng model girlfriend niyang si Joanne Villablanc­a, ‘yun pa rin ang iniisip ng netizens.

May sighting kina Derek at Andrea na magkasama recently sa isang event. Timing naman kasing kung kailan malapit nang ipalabas ang TBW at saka nag-break sina Derek at Joanne.

Akusasyon ng ilang netizens, cheater daw si Derek, mangaagaw naman daw ng boyfriend si Andrea. Ouch!!!

Pusong mamon

May nakita nang lupa si Heart Evangelist­a na pagtatayua­n ng shelter for animals sa Sorsogon. Animal lover si Heart at dream come true sa kanya na mapatayuan niya ng shelter na magsisilbi­ng “tahanan” ng mga ito.

Hinangaan si Heart ng netizens sa advocacy niyang pangalagaa­n at proteksiyu­nan ang mga hayop. May mga nag-offer ng kanilang free services kung kailangan daw ni Heart ng volunteers sa project niyang ito.

Samantala, super excited si Heart na bahagi siya ng “Starstruck “councils sa Season 7 nito. Challenge sa kanya ang pagiging judge sa artista search na ito ng GMA7. Pusong mamon kasi siya and it will break her heart kung may tatanggiha­n siya sa stars wanna be.

Simula na this Saturday ng “Starstruck 7,” hosted by Dingdong Dantes and Jennylyn Mercado. Ang dalawa pang councils ay sina Cherie Gil at Jose Manalo. May warning si Cherie sa mga Starstruck hopefuls, huwag siyang tatawaging tita dahil hindi naman niya pamangkin ang mga ito.

Taray!!!

Nagbenta ng sasakyan

Kung naibili ni Robin Padilla ng isang mamahaling van ang wife niyang si Mariel Rodriguez, isang mumurahing pick-up na lang ang ginagamit na service ngayon ni Robin. Ibinenta niya ang kanyang Land Cruiser para maipantulo­ng sa Marawi victims na nawalan ng tirahan at kabuhayan. Hindi kasi sapat ‘yung pondong nalikom nila mula sa mga concerned citizens para matugunan ang mga pangangail­angan ng Marawi victims. Patuloy pa ring tumatangga­p ang grupo ni Robin ng mga donasyon.

 ??  ?? DEREK Ramsay and Andrea Torres
DEREK Ramsay and Andrea Torres

Newspapers in English

Newspapers from Philippines