Bitoy, bibisita sa ‘Dear Uge’
DREAM come true para sa Kapuso comedienne na si Eugene Domingo ang pagbisita ni Michael V. sa special episode ng “Dear Uge” na mapapanood ngayong araw. Ayon sa TV host, “Nakakatuwa kasi na napaunlakan ni Bitoy ang aming imbitasyon na maging guest sa “Dear Uge.” Sa totoo lang, ito ang first time ko to work with Bitoy. Matagal na kaming magkakilala, pero never pa pala kaming nagkakasama sa anumang pelikula or even sa TV. E, bilib na bilib ako kay Bitoy bilang isang komedyante, bilang writer, and an over-all creative person. Nagtaka rin ako kung bakit never pa kaming nakakapagtrabaho together. Kaya itong paglabas niya sa “Dear Uge,” isang special day talaga para sa aming lahat.” At dahil pinagbigyan ni Bitoy ang kahilingan ni Uge, mayroon ding special guest role ang award-winning actress sa upcoming film na “Family History” na produced, written, directed at pinagbibidahan din ng Kapuso comedy genius na mapapanood na next month. Subaybayan ang nakakatawang episode tampok si Bitoy na pinamagatang “Kalma Mother” kasama sina Diana Zubiri at Neil Ryan Sese sa “Dear Uge” ngayong Linggo pagkatapos ng “Sunday Pinasaya” sa GMA.