Tempo

Balik-Pinas

-

NASA Pilipinas ngayon si Rachelle Ann Go na isa sa siyam na inductees sa ginanap na Walk of FamePhilip­pines sa Eastwood last Sunday.

Ito ay bilang parangal at pagkilala sa mga kontribusy­on niya sa larangan ng lokal na sining bilang isang singer at theater performer.

Magkakaroo­n si Rachelle ng Valentine concert.

Recently ay nagkaroon sila ng reunion ng kapuwa singers niyang sina Sarah Geronimo, Erik Santos at Yeng Constantin­o. Naging co-hosts sila noon sa isang segment ng “ASAP.”

Tsikahan at kumustahan ang naganap sa kanilang reunion.

Napag-usapan kaya nila ang nalalapit na kasal nina Sarah at Matteo Guidicelli?

Di makapaghin­tay

Happening soon ang kasal nina Juancho Trivino at Joyce Pring.

Ipinasilip nila ang pre-nup shoot nila sa Siargao Island.

Post ni Juancho sa socmed, hindi na siya makapaghin­tay na simulan ang buhay niya with Joyce na ani Juancho ay ibinigay sa kanya ni Lord.

Si Nat Manilang ang designer ng isusuot na suit ni Juancho.

Binili naman ni Joyce abroad ang kanyang wedding gown.

Aug. 3 last year nag-propose ng marriage si Juancho kay Joyce sa Boracay na sinaksihan ng kanilang respective families and friends.

Iniwan

Si Joem Bascon pala ang na-fallout of love sa 8-year relationsh­ip nila ni Chrisha Uy.

Sinabi ito sa vlog ng kanyang ex-girlfriend.

No regrets naman siya, ani Chrisha. Naging masaya siya sa eight years na pagmamahal­an nila ni Joem.

Ayaw daw niyang ipagpilita­n ang sarili kung ayaw na sa kanya ni Joem.

May tsikang diumano’y nagkabalik­an sina Joem at Meryll Soriano.

Walang confirmati­on o denial mula sa kanila pero sa house ni Meryll sinalubong ni Joem ang New Year.

Well, at least, walang masasakit na salita si Chrisha against Joem. Hindi siya naghahabol sa ex-boyfriend na iniwan siya.

Feeling

Sa bayan nina Jasmine CurtisSmit­h sa Alaminos, Pangasinan nag-celebrate sila ng New Year ng boyfriend niyang si Jeff Ortega. Sa isang panayam ay sinabi ni Jasmine na balak niyang magtayo ng boutique-hostel sa San Juan, La Union kung saan may beach resort ang pamilya ni Jeff. Feeling taga-La Union na rin si Jasmine.

 ??  ??
 ??  ?? RACHELLE Ann Go
RACHELLE Ann Go

Newspapers in English

Newspapers from Philippines