Tempo

Ikinabaliw

- (Delia Cuaresma)

NALOKA ang fans ng “One of the Baes” stars na sina Ken Chan at Rita Daniela sa napanuod nilang video clip ng tila kissing scene ng karakter ng dalawa sa pinagbibid­ahang romcom series. Marami ang umaasa na matutuloy na ang inaabangan nilang “moment” ng RitKen bilang

Charles at Jowa sa serye.

Sana raw talaga ay huwag silang bitinin at totoong kissing scene na ang mapanuod nila dahil talagang inaabangan nila ang bawat nakakikili­g na eksena ng dalawa. Thankful naman ang RitKen sa walang sawang pagsubayba­y ng kanilang fans sa "One of the Baes." Samantala, marami ang humanga sa acting skills nina Ken at EA Guzman sa latest episode ng “One of the Baes.”

Ito ay ang hospital scene kung saan nag-aagaw buhay ang character ni Jestoni Alarcon na si Steve.

Grabe ang emosyong binuhos nina Ken at EA sa eksena.

Pinatunaya­n ng dalawa ang husay nila sa drama na talaga namang damang-dama ng mga manunuod.

‘Yun na!

 ??  ?? KEN Chan and Rita Daniela
KEN Chan and Rita Daniela

Newspapers in English

Newspapers from Philippines