Tempo

Nagselos!

- Rowena Agilada

MINSANG nagkatampu­han si Liza Soberano at ang kanyang ama dahil kay Enrique Gil. kuwento ng magama sa guesting nila sa “Magandang Buhay,” panahon ‘yun na nahahalata na ng daddy ni Liza ang sobrang closeness nila ni Enrique.

Paliwanag ni Liza sa ama, magkatraba­ho sila, kaya hindi maiwasang maging close sila ni Enrique.

Unaware ang daddy niya na may relasyon na sila ni Enrique that time.

“In denial pa ako noon (laughs),” sabi ni Liza.

Inamin naman ng daddy ng dalaga na nagseselos siya noon kay Enrique dahil sa sobrang closeness nito at ni Liza.

Now that she’s 22 years old, hindi na gaanong protective kay Liza ang daddy niya.

Nawala na rin ang selos nito kay Enrique.

Tanggap na nga niya ang relasyon ng anak at ng binata.

Stranded

Nasa Tagaytay City si Louie Heredia nang sumabog ang Taal volcano. Mula sa kanyang hotel room sa Taal Vista Hotel ay nakunan ng former singer ang pagguest aalburoto ng bulkan.

Post ni Louie sa socmed, hindi sila pinayagang makaalis sa lugar dahil non-stop ang earthquake.

Aniya pa, hindi rin kakayanin umalis sa lugar kahit pilitin dahil sobrang traffic sa Tagaytay.

Sinubukan niya nga daw itong gawin pero napilitan siyang bumalik sa hotel.

Once every three months ay nagpupunta si Louie sa Tagaytay.

Natiyempon­g itong huling punta niya ay sumabog ang Taal volcano.

Gamit pa naman ni Louie ang bago niyang car.

Feeling daw niya’y may mga batong naglalagla­gan sa bubong ng kanyang kotse.

No show

Sa kabila ng pagsabog ng Taal volcano, itinuloy ang Walk of Fame Philippine­s sa Eastwood, Libis, QC. Kumpleto ang 9 inductees. Pero no show si Mayor

Isko Moreno na special sana sa event.

Hindi masabi ni Federico Moreno, head ng WOFP kung anong dahilan ng pag-absent ni Yorme sa event.

Take note, kabilang din si Yorme sa Board of Trustees ng Walk Of Fame.

Anyway, pinagkagul­uhan sina Catriona Gray at Jo Koy, dalawa sa nine inductees. Hosts sa event sina John Nite at Jackielou Blanco.

Nag-joke pa si Edu Manzano (inductee rin) na baka puwede raw mag-save ng space ang BOT katabi ng star ng pangalan niya for his son Luis.

 ??  ??
 ??  ?? ENRIQUE Gil and Liza Soberano
ENRIQUE Gil and Liza Soberano
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines