Tempo

Ninang ng Bayan!

- Jun Nardo

GOOD vibes ang pasok ng taon kay Ai Ai de las Alas.

Naging ninang siya sa Pabinyag ng Bayan ng Radio Veritas last Sunday sa Quaipo Church.

Parte ito ng kampanya na “Holy Birth Day,” na layunin ang magpalagan­ap ng awareness hinggil sa kahalagaha­n ng binyag.

Kwento ni Aiai sa amin through text, “Mga baby na mahihirap na hindi pa nabibigyag­an ang pinili nila para sa okasyon.”

“Dahil sa proyekto, may natutunan ako na kailangan pala nating malaman na ang araw ng pagbibinya­g naten, i-celebrate naten yun kasi yun ang araw ng pangalawan­g pagsilang naten bilang mga anak ng DIYOS,” dagdag pa niya.

Siyempre, nagbigay ng pakimkim si Ai Ai sa mga inaanak kahit hind niya personal na kilala ang mga ito.

Inilista rin niya ang mga pangalan ng bata sa isang notebook.

Aniya, “Ito ay para matandaan ko sila. Malay mo balang araw humingi ng tulong ang mga magulang nila. Bilan ninang, ako ang kanilang second parent.”

Sina Bishop Bacani at Father Anton ang nag-officiate ng binyagan.

Imbyerna!

Nagalit nang tuluyan ang isang senior actress (SA) sa lead actor ng isang series dahil inunang kunan ang eksena nito kesa sa kanya.

Ang siste kasi, lampas na sa kanyang cut-off si SA, pero dahil nga sa pakiusap ng production staff, pumayag siyang mag-stay.

Kaso mo, nag-request naman itong si aktor na unahin muna siya bago si SA kaya dito na ito tuluyang nagalit.

Hindi naman siya nag walkout, huh!

Tinapos ni SA ang mga eksena niya kahit madaling-araw na.

Buwelta nga lang niya, magdusa ang production staff from then on dahil paninidiga­n na niya ang cutoff time niya.

At hindi na siya madadaan sa pakiusap, huh!

Bakit nga ba pinagbibig­yan masyado itong si lead actor?

Well, hari-harian daw kasi ito sa series at walang makaangal sa gusto niya, huh!

 ??  ?? AI AI de las Alas with her new godchildre­n and their parents
AI AI de las Alas with her new godchildre­n and their parents

Newspapers in English

Newspapers from Philippines