Tempo

Tulungan

-

SA panayam kay Rep. Vilma Santos-Recto ni Ted Failon sa programa nito sa DZMM kamakailan, kanyang sinabi na walang malaking pinsala na dulot sa Lipa City, Batangas ang pagsabog ng Taal Volcano. Wala nga daw kahit bitak sa mga kalsada. Representa­tive sa 6th district ng Batangas ang actresspol­itician at doon nakafocus ang atensiyon niya. Aniya inalam na daw niya ang lahat na pangangail­angan ng kanyang mga kababayan doon. Aniya pa, panay ang meeting nila ng mga local officials kaugnay sa mga hakbang na dapat gawin para matulungan ang mga nasalanta ng eruption.

May isinusulon­g na resolusyon ang kongresist­a hinggil sa pagkakaroo­n ng one-stop evacuation center sa Batangas.

Sana raw ay maisakatup­aran ‘yun para sa madaliang tulong para sa mga evacuees kapag may kalamidad. Sa panayam naman kay Cong. Vi sa radio program ni Gorgy Rula, sinabi nitong nasa Baguio City sila ng husband niyang si Senator Ralph Recto para sa birthday celebratio­n nito nang sumabog ang Taal Volcano.

Agad daw silang bumalik sa Manila at nakipagcoo­rdinate sa kanilang staff para alamin kung ano’ng pangangail­angan ng mga nasalanta. Nagpunta si Cong. Vi sa Batangas Sports Complex last Tuesday at kinumusta ang kalagayan ng mga evacuees.

Aniya, kailangan magtulunga­n lahat para malampasan ng mga Batangueno ang krisis na kinakahara­p.

Real Darna

Sabi na nga ba, tutulong si Angel Locsin sa mga nasalanta ng Taal Volcano eruption.

Ayon sa ilang netizens, si Angel ang tunay na Darna.

Paano naman si Vilma na kilala rin bilang Darna?

In fairness, hindi lang naman si Angel ang celebrity na tumutulong sa mga biktima ng Taal Volcano eruption. Marami ring iba.

Kabilang nga rito sina Dingdong Dantes, Derek Ramsay, Andrea Torres, at Matteo Guidicelli na personal pang nagpunta sa Sto. Tomas, Batangas kasama ang mga sundalo ng Philippine Army para sa ginawang relief operations.

Ang mag-asawang Jason Francisco at Melai Cantiveros, katulong ang dalawang anak nilang sina Mela at Stela ay nag-repack ng relief goods na ipinamahag­i nila sa mga lugar na hindi pa naaabutan ng tulong.

Kahanga-hanga na sa murang edad ng mga anak nila’y mulat na ang kaisipan sa pagtulong sa kapuwa.

 ??  ?? REP. Vilma Santos-Recto
REP. Vilma Santos-Recto

Newspapers in English

Newspapers from Philippines