Tempo

May hamon

- (Delia Cuaresma)

AYAW sumunod sa uso ni Robin Padilla.

Kung ang ilang sikat na artista ay matapang na nagpakita ng suporta sa ABS-CBN, hindi ang Bad Boy of Philippine Cinema.

Bagkus, hinamon pa niya ang mga artista na nagpahayag ng suporta sa ABS-CBN.

Aniya sa kanyang Facebook post nitong Huwebes, “Para sa mga superstars ng ABSCBN at GMA hinahamon ko kayo humarap ng live at ipagtanggo­l ninyo ang mga network ninyo.

“Ilabas natin ang mga contract natin at ikumpara natin sa mga kasama natin sa trabaho sa taping at shooting.

“Ipakita natin sa taongbayan ang tinatamasa natin sa mga network natin at ang tinatamasa ng sinasabi ninyong ipinaglala­ban niyo na ‘wag mawalan ng trabaho.” Hindi siya natapos doon. Sa mga artistang may kuda na gusto lang nila diumano “itama ang mali,” aniya, “Gusto niyo pala itama ang mali aba’y umpisahan natin sa una, pag usapan muna natin ang tamang suweldo, benepisyo, at tamang oras ng trabaho ng mga kasama natin sa taping at shooting bago ninyo ipaglaban ang karapatan ng kumpanya.

“Unahin ninyo ‘yung tao ng kumpanya na kasama ninyo sa bawa’t araw sa location at ‘wag ninyo proteksyun­an lang ang regular employees.”

Patuloy na hirit ni Robin, “Ipaglaban ninyo ang agreement ng DOLE at ng FDCP sa mga network ninyo at kapag nakuha ninyo ‘yun para sa mga taong nagpapakah­irap talaga na kasama ninyo kahit umulan o umaraw magpuyatan man o hindi, tsaka ninyo ipaglaban ang sinasabi ninyong karapatan ng isang multi-billion na kumpanya.

“I am not against (the renewal of) ABS-CBN’s franchise but we have to be real. This is the only chance na kayo ang maging daan para mabago ang takbo ng working state nating lahat sa entertainm­ent industry.

“Magpagamit muna kayo sa mahihirap, sa mga taong nagdala sa inyo sa kasikatan, bago sa mga mayayaman.”

Iginiit pa niyang muli ang hamon sa mga kapwa artista hinggil sa kontrata.

“Para makita ng publiko, let us give it to them. Tutal, napaka-drama ninyo, gawin na nating teleserye. Punuin natin ng revelation­s ang isyu na ito na dapat pinag uusapan sa korte at congress.”

Bago ito, nag-post si Robin sa Facebook ukol sa quo warranto petition na isinumite sa Supreme Court ng Office of the Solicitor General laban sa ABS-CBN.

Sinabi ng aktor na lahat dapat “pantay pantay sa harap ng batas.” Binura niya ito di kalaunan.

 ??  ??
 ??  ?? ROBIN Padilla
ROBIN Padilla

Newspapers in English

Newspapers from Philippines