Tempo

First Timer May pakiusap

- Jun Nardo

HINDI nag-renew ng kontrata si Angel Locsin sa ABS-CBN. Pero nilinaw ng aktres na wala itong kinalaman sa sigalot hinggil sa isyu ng nakabinbin pa ring renewal of franchise ng network.

Aniya sa isang Instagram post, minabuti niya na hindi muna pumirma ng bagong kontrata sa istasyon dahil busy siya sa ngayon sa paghahanda para sa kanyang nalalapit na kasal sa fiancé niyang businessma­n na si Neil Arce.

Sa mga trolls na sumasawsaw sa gulo na kinasasang­kutan ng dati niyang home network, pakiusap ni Angel, “Think before you click.”

Aniya may mga taong sa likod ng ABS-CBN at katulad ng marami kumakayod lamang ang mga ito ng marangal para sa kani-kanilang pamilya.

“Mahal ko po sila at hindi ito drama,” diin niya.

“Bago tayo magsalita, isiping mabuti kung makakasira ba ito ng buhay ng napakarami­ng tao. Kung ito po ba ang tamang solusyon.”

“Kung meron pong pagkakamal­i man, gawin po nating tama. Hindi po ang pagpapasar­a ng isang network ang makakatulo­ng sa amin at sa pamilya po namin.

“We have families that rely on us kagaya niyo rin po. Konting unawa lang po. Isang pakiusap.”

Isa lang si Angel sa maraming artista mula sa iba’t ibang istasyon na dumepensa sa Dos.

Samantala, sa senado, naghain na si Senator Grace Poe ng resolution upang imbestigah­an ang mga alegasyon ni Solicitor General Calida sa quo warranto petition nito sa Supreme Court sa umano’y violations ng network.

Sa totoo lang, ito ang true to life teleserye na kaabangaba­ng.

Patok!

Sanib-pwersa ang GMA Network at SBS Korea para sa joint venture nila na “Running Man Philippine­s.”

Present sa contract signing ang GMA boss na si Atty. Felipe Gozon at iba pang top executives ng network habang sa SBS Korea naman ay nandoon sina Kim Yong Jae, Chief Global Content Officer at Global Production & Business Team na si Kim Soo Hwan.

Isa ang “Running Man” sa pinaka-popular na show sa Korea kung saan naging guests na sina Tom Cruise, Jackie Chan at Henry Cavill na nakibahagi sa games at races.

 ??  ?? ANGEL Locsin
ANGEL Locsin

Newspapers in English

Newspapers from Philippines