Tempo

Suspendido

- (Delia Cuaresma)

TAGILID ang kalagayan sa kasalukuya­n ng veteran showbiz writer-radio host na si Jobert Sucaldito sa Dos.

Ibinunyag niya na suspendido siya sa DZMM program niyang “Showbuzz” matapos niyang paulanan ng maanghang na salita ang aktres na si Nadine Lustre hinggil sa hiwalayan nito with James Reid.

Ani Jobert sa isang Faceboook post, “More than 1 month na akong suspended...

“Mga fans (the trolls ha - not the educated ones) lang pala ni Nadine Lustre ang makakapagp­atanggal sa akin sa show na lubos na pinaniwala­an yata ng napakahusa­y naming station manager...

“I’d like to think that I was a very loyal Kapamilya pero ano nangyari? Nganga ang baklita!”

Sinundan niya ito ng isa pang mas mahabang mensahe: “Painful but that’s the reality. Mahirap kaya ang maging jobless for a month (di mo alam kung hanggang kailan - baka till the end of time) lalo pa’t breadwinne­r ka.

“What’s sad about this ay kinikiyeme pa akong under investigat­ion daw ang isyu ko ng ethics committee ng ABS-CBN pero parang iba naman ang nagaganap.”

Ito ay dahil nalaman daw niya na inalok na ang posisyon sa kanyang friend na si Ambet Nabus na tinaggihan naman nito.

“Imagine, parang buhay ka pa ay inililibin­g ka na nila. How heartless of these people, di ba? How insensitiv­e!

“Nalungkot ako sobra dahil 20 years akong nasa ABS-CBN and more than 17 years sa DZMM ay bigla na lang akong tatratuhin­g parang basura.

“Sinunod ko naman lahat ng inutos nila pero anong nangyari?

“Meron lang talagang mga tao sa loob na ayaw talaga sa akin at gusto akong patalsikin at mukhang kilala ko naman sila.

“Anong kinatatako­t ninyo kung wala naman kayong mga ginagawang anomalyang alam ko, di ba?

“Di naman ako traidor na tao. Pag lalo niyo akong binubusala­n, lalo akong pumipiglas ha. You know naman my character. Basta sa tama lang tayo.

“Sobrang bait ko, I don’t bite the hands that feed me pero pag sukdulan na, mararamdam­an ninyo ang ngipin ko.”

Naku, huh!

 ??  ?? JOBERT Sucaldito
JOBERT Sucaldito

Newspapers in English

Newspapers from Philippines