Tempo

Rhian, pass muna sa halikan

- ROWENA AGILADA

Hindi raw muna papapayag gumawa ng eksenang may halikan si Rhian Ramos.

Ito ay kapag nag-resume na ang trabaho sa kanyang bagong series na “Love of my Life.”

Sa ngayon ay waiting lang ang dalaga sa abiso ng GMA Network kung kailan sila pwedeng magtrabaho muli.

Ani Rhian sa isang interbyu,sisiguradu­hin muna niya na may safety guidelines na ipatutupad.

Bumili na rin siya ng maraming washable face masks.

Ayaw na rin muna niyang makipag-selfie kasama ang ibang tao kapag nasa set siya.

Sisiguradu­hin din niyang maipatutup­ad ang social distancing measures sa set kapag nagtatraba­ho sila.

Jobless

Hindi kawawa si Sharon Cuneta kahit nawalan siya ng dalawang pelikula at dalawang concerts dahil sa COVID-19 pandemic.

Nakansela ang dapat sana’y

US concert tour nina Sharon at Regine Velasquez ngayong May.

Nakansela din ang dapat sana’y concert ni Sharon sa Australia last April.

Six months na raw siyang jobless pero nakakapag-donate pa ang Megastar para sa frontliner­s at iba pang naapektuha­n ng ECQ.

Ikaw na ang bilyonarya!

Baby no. 3

Ang laki na ng tiyan ni Iya Villania-Arellano, pero nag-wo-work out pa rin siya. Parang wala siyang dalang baby sa loob ng kanyang tiyan. Patalun-talon pa si Iya sa napanood naming video.

Nag-aalala ang mga taong nakapanood ng video dahil baka raw maapektuha­n ang baby niya. Ayon kay Iya, may consent ng doktor niya ang pag-wowork out niya. Huwag daw siyang gagayahin ng ibang buntis kung walang consent ng kanilang doctor.

Baby no. 3 na nila ni Drew Arellano ang ipinagbubu­ntis ni Iya. May two boys na sila, sina Primo at Leon.

 ??  ??
 ??  ?? RHIAN Ramos
RHIAN Ramos

Newspapers in English

Newspapers from Philippines