Tempo

Kumpirmado!

- Bonoan)

Sa wakas ay inamin na ni Sam Milby na may namamgitan na sa kanila ng 2018 Miss Universe titleholde­r na si Catriona Gray.

Ibinunyag ito ng aktor sa Instagram noong kaarawan niya.

Nagpost siya ng litrato kung saan makikitang kapwa sila nakangiti ni Catriona habang yakap-yakap ang isa’t isa.

Sa caption, sinabi ng aktor na ito ang “most special birthday” niya.

Dagdag pa niya, “Worth every second of the wait.”

Bago ito, pinakilig ng dalawa ang kani-kanilang fans sa Facebook.

Binati ni Catriona si Sam sa kanyang kaarawan.

Sey niya, “Hey, Sam! Happy, happy birthday. I hope that you have an amazing year ahead. More birthdays. More happiness. You are loved by so, so many.”

Kitang-kita na kinikilig ang aktor kaya naman abut-abot ang tukso na inani nito mula sa mga kaibigan na sina Pooh at John Prats.

Matatandaa­ng last year pa unang natanong si Sam tungkol sa tunay na ugnayan nila ni Catriona pero ayaw niya itong sagutin at paulit-ulit lang niyang sinabi na kaibigan lang niya ang dalaga.

Pero ito nga at sa wakas umamin na rin ang 36-year-old.

Tatlong beses ipinanood kay Sam ang pagbati sa kanya ni Catriona.

Sa tuwing ipapakita ang mensahe ni Catriona ay nagiiba ang facial expression ng aktor.

Ang simpleng sagot niya sa pagbati: “Hi. Nahiya ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.”

“Basta I’m kilig sa message. Super kilig sa message. Hindi ko in-expect talaga na mag-message. Thank you. Yes, you are very special. Very special.”(Reggee

Newspapers in English

Newspapers from Philippines