Tempo

Halik sa kili-kili

- ROWENA AGILADA

Kakaiba rin itong si Ruru Madrid, huh! Aba e, naninibasi­b pala ito ng kili-kili!

Sa isang live chat sa Facebook kamakailan, inamin ng binata na minsan niyang hinalikan ang kili-kili ng kanyang “Encantadia” costar na si Gabbi Garcia.

Hindi na niya binanggit kung bakit niya ginawa ito at kung paano niya napapayag si Gabbi pero kimumpirma naman ito ng huli. Tawangtawa pa nga ito.

Hmmm... alam kaya ito ni Bianca Umali, rumored girlfriend ni Ruru?

Si Khalil Ramos kaya na current boyfriend naman ni Gabbi, ano kaya masasabi tungkol rito?

Si Bianca kaya nagpapahal­ik rin ng kili-kili kay Ruru? Nahalikan na rin kaya ni Khalil ang kili-kili ni Gabbi?

Nagselos!

Umamin si Megan Young na minsan siyang nagselos kay Andrea Torres.

Ito ay noong makapareha ito ng asawang si Mikael Daez sa isang teleserye.

That time ay secret pa ang kanilang relasyon ni Mikael.

Kwento ni Megan sa podcast nila ni Mikael, nag-ugat ang pagseselos niya noon kay Andrea nang maikwento ni Mikael na inihatid niya sa kotse si Andrea.

Sabi ni Mikael, ginawa niya ito dahil gusto niyang maging komportabl­e sila ni Andrea sa isa’t isa para sa show nila.

Sinabihan daw siya ni Megan na baka kung ano ang isipin ng ibang tao na nakakita sa kanila. Baka rin daw isipin ni Andrea na may gusto sa kanya si Mikael.

Sinabihan raw niya si Mikael na kailangang malinaw kay Andrea kung ano’ng sitwasyon nila.

Wow! Lakas magpaselos nitong si Andrea, huh!

Matatandaa­ng nagselos din si Marian Rivera kay Andrea noong nakatrabah­o nito si Dingdong

Dantes.

May tsika pang diumano’y sinugod nito si Andrea sa taping ng show. Mabuti na lang daw at hindi nagpangabo­t ang dalawa.

 ??  ??
 ??  ?? GABBI Garcia
GABBI Garcia

Newspapers in English

Newspapers from Philippines