Tempo

Sino ang may sala?

- JUN NARDO

Nilinaw ni Willie Revillame sa isang episode last week ng “Tutok To Win” na wala siyang account sa Facebook, Twitter, Instagram at YouTube.

ito ay dahil sa lumabas na feature tungkol sa kanya ng isang digital magazine, kung saan nabanggit ang diumano’y mga yaman niya kasama na isang personal airplane.

Ayon kay Willie, fake news daw ito. Hindi raw niya ugali ang magmayaban­g kung ano ang mayroon siya.

“Nilagay ninyo ako dyan. Kung anu-ano ang nilagay niyo diyan.Hindi ako nagpapakit­a ng kung anuman meron ako. Hindi ko yan pinu-post. May ibang naglagay niyan,” himutok ng game show host.

Obvious na hindi nagustuhan ni Willie ang feature.

Pinagdiina­n niya na hindi raw niya eroplano ang nalagay doon.

Sey niya, “Para maintindih­an ninyo, hindi ko eroplano ‘yan. Nakisakay lang ako.”

Dismayadon­g dagdag pa nito, “Hindi ko magagawa ‘yan. Pinaghirap­an ko ‘yan pero hindi ko magagawa ‘yan. Nandito ako para magpasaya at tumulong. Hindi para magmayaban­g. Pagmamahal sa lahat ang meron ako!”

HIndi raw maintindih­an ni Wil kung bakit doon sa materyal na yaman nakatuon ang pansin ng mga ilan.

Babala pa niya, “Check your sources! Sa susunod magrerekla­mo na kami! Kasiraan sa kapwa ninyo ‘yan. Puwede kong ireklamo sa NBI ‘yan. Kasi hindi naman totoo!”

“Hirap ng ganyan! Hindi ako ang naglagay niyan. Hindi ko alam saan nila nakuha ‘yan!”

Eh, sino nga ba ang may pakana ng lahat na ito? Magsalita na kasi! Chos!

Anyway, patuloy pa rin maghahatid saya si Willie sa mga darating na araw.

Promise niya: “Basta sa June 6, live tayo at malalaki ang guests natin!”

O, alam na, huh!

 ??  ?? WILLIE Revillame
WILLIE Revillame

Newspapers in English

Newspapers from Philippines