Tempo

May new suitor?

- ROWENA AGILADA

Sabi noon ni Derek Ramsay, si Andrea Torres na ang “the one” for him. Gusto na raw niya itong pakasalan.

Sa virtual house tour nga niya ay binanggit pa niya na home nila ito andrea.

Ikinagulat ng lahat ang biglang paghihiwal­ay nila.

Biglang bawi si Derek sa sinabi niya kay Andrea.

“She deserves better. I’ll find the right one,” sey niya sa socmed.

Anyway, mukhang nakamove on na si Andrea. Balitang may rich businessma­n siyang manliligaw ngayon. James Richman ang pangalan ng guy na nakilala ni Andrea sa isang Kapuso event sa USA in 2017.

Noong nabalitaan daw ni James na break na sina Andrea at Derek ay pinadalhan niya agad ang dalaga ng flowers.

Twice

Not once, but twice pala nagpropose ng marriage si Matteo Guidicelli kay Sarah Geronimo.

Ang una’y sa Italy at pangalawa’y sa Cebu. Ito ang revelation ni Sarah sa You Tube vlog ni Dra. Vicki Belo. Dapat sana’y sa Venice, Italy ang church wedding nina Sarah at Matteo noong March 14 pero dahil sa pandemic ay hindi ito natuloy. Sa isang interbyu, sinabi ni Matteo na magpapakas­al uli sila ni Sarah kapag wala na ang pandemic. Plano nila ang military wedding since isang army reservist si Matteo.

May tsika namang kung sa Venice, Italy sila magpapakas­al, dalawang old churches ang pinagpipil­ian ng couple.

 ??  ??
 ??  ?? ANDREA Torres
ANDREA Torres

Newspapers in English

Newspapers from Philippines