Tempo

Beauty, boto kay Derek

- ROWENA AGILADA

Hindi naman pala totoo ang tsikang ayaw ni Beauty Gonzales kay Derek Ramsay para kay Ellen Adarna.

BFF (Best Friends Forever) sina Ellen at Beauty at aniya sa interbyu sa kanya ni MJ Marfori ng TV5, happy siya na engaged na at ikakasal na si Ellen.

Dagdag ni Beauty, good news ‘yun.

Hoping si Beauty na magiging bahagi siya ng wedding entourage nina Ellen at Derek.

Baka raw isa siya sa maging maid of honor at flower girl naman ang anak niya.

This year ang kasal nina Derek at Ellen.

How true naman kaya ang tsikang diumano’y magkakaroo­n sila ng pre-nup agreement ?

Abala

May video ang Daddy Delfin ni Sarah Geronimo na ipinakita nitoang mga tanim na organic fruits and vegetables sa farm nila sa Tanay, Rizal.

May mga upo, native na sibuyas, talong, atbpa.

Ani Daddy Delfin, puwede mag-order online via Facebook.

Iprinomote pa ni Sarah sa socmed ang organic fruits and vegetables na ginagamit ng kanyang mga magulang sa Geronimo’s Café and Restaurant sa Mindanao Avenue, QC.

Hands-on si Daddy Delfin sa kanilang organic farm at si Mommy Divine naman sa kanilang café-resto.

Doon abala ang mga magulang ni Sarah simula noong nag- asawa siya.

Mukhang hindi pa rin tuluyang nagkakaayo­s si Sarah and her parents. More than a year nang hindi sila nagkikita.

BFF’s

Guests ni Aiko Melendez

sa kanyang YouTube vlog ang BFF’s niyang sina Carmina Villarroel at Gelli de Belen.

Power of three na lang sila ngayon dahil hindi pa rin nagkakabat­i sina Aiko at Candy Pangilinan.

Power of four ang tawag sa kanila dati.

Anang tatlo, acceptance at respeto ang sikreto ng matagal na nilang friendship.

Any reaction, Candy?

 ??  ??
 ??  ?? ELLEN Adarna, Beauty Gonzales
ELLEN Adarna, Beauty Gonzales
 ??  ?? SARAH Geronimo with parents Delfin and Divine
SARAH Geronimo with parents Delfin and Divine
 ??  ?? AIKO Melendez, Gelli de Belen, Carmina Villaroel
AIKO Melendez, Gelli de Belen, Carmina Villaroel

Newspapers in English

Newspapers from Philippines