Tempo

LILIPAT NA RIN?

- ROWENA AGILADA

May presscon next week si Lovi Poe at malalaman kung totoong lilipat na siya sa ABS-CBN.

Balitang may offer sa kanya ang Kapamilya Network na ayon sa ilang sources, malamang ay tanggapin ni Lovi.

Nag-expire na ang contract niya sa GMA noong July 2020 pa.

Kung totoong lilipat na siya sa ABS-CBN, huling teserye na ni Lovi sa GMA7 ang “Owe my Love” na malapit nang matapos.

Si Leo Dominguez ang manager ni Lovi na manager din ni Janine Gutierrez na lumipat na sa ABSCBN.

Susunod kaya sa kanya si Lovi?

Kapamilya na!

Kumpirmado­ng Kapamilya na rin si Sunshine Dizon. Hindi na ni-renew ng GMA ang kanyang kontrata na labis na ipinagtata­ka ng fans and supporters ng aktres.

Loyal naman daw sa Kapuso Network si Sunshine at nagrirate ang mga ginawa niyang teleserye.

May gagawing teleserye si Sunshine sa ABS-CBN kasama sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez na mga dating Kapuso stars. Marami na sa kanila ang lumipat sa Kapamilya Network. Bakit kaya?

May crush daw?

Hindi kaya bahagi lang ng promotion ng kanilang GMA series ang pag-amin ni David Licauco na crush niya si Julie Anne San Jose? Magkatamba­l sila sa “Heartful Café” na mapapanood na next week sa GMA7. Natutuwa ang kanilang shippers na sana raw ay ligawan na ni David si Julie Anne.

Willing

Willing si Derek Ramsay tumira sa Cebu kung ‘yun ang gusto ni Ellen Adarna. Gano’n din ang ginawa ni John Lloyd Cruz noong nagkarelas­yon sila ni Ellen. Lakas ng karisma ni Ellen kapag napatira niya si Derek sa Cebu at iwan nito ang malamansio­n na house sa Alabang Village.

 ??  ?? LOVI Poe
LOVI Poe
 ??  ?? SUNSHINE Dizon
SUNSHINE Dizon
 ??  ?? DEREK Ramsay
DEREK Ramsay
 ??  ?? DAVID Licauco
DAVID Licauco

Newspapers in English

Newspapers from Philippines