Gabbi, nagtayo ng pantry
FIRST TIMER
Pinangunahan ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia ang mag-set up ng community pantry para sa mga kapitbahay niya sa Parañaque City. “Posting this with nothing but pure and good intentions. This is to inspire everyone that despite the situation, we can all help each other in our own little way.
“Thank you to our small community for making this possible. Thank you also to everyone who stopped by to drop their donations. May God bless you more,” bahagi ng caption ni Gabbi sa picture ng isang mesa na puno ng pagkain.
Nagpasalamat din ang girlfriend ni Khalil Ramos sa lahat ng nagtayo ng community pantries sa iba’t ibang lugar sa bansa.
“Keep going! God bless your pure hearts! Tayo tayo ang magtulungan!” saad pa ni Gabbi.
Katulong ng host ng “IRL” (‘In Real Life’) at bida ng series na “I Love You Stranger” ang parents niyang sina Tessa at Vince Lopez kasama ang mga kapitbahay sa BF Northwest Homeowners Association.
Samantala, ang fan groups ng Korean hit group na BTS na Army ang tawag, nagtayo rin ng community pantry sa Cavite.
Sa totoo lang, kahit may mga epal sa pagsulpot ng community quarantines, hinding-hindi ito mapigilan kahit may mga opisyal ng gobyerno na nagsabi na dapat ay may permit ito sa local government unit na nakakasakop sa kanila.
Buwelta ng Mayor ng Manila at Pasig City, hindi na kailangan ng permit para tumulong!
Sino kayang artista o celeb ang susunod sa ginawa ni Gabbi?